<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, July 18, 2008

Bong Revilla ayaw nang mambabae!

Malinaw ang posisyon ni Senador Bong Revilla. Kung hindi tatakbo sina Senador Jinggoy Estrada at Governor Vilma Santos sa pagka-vice-president sa taong 2010 ay buo ang kanyang planong kumandidato.

Nandun ang kanyang pagbusina, rerespetuhin niya ang desisyon ng kanyang mga kapwa artistang nasa mundo rin ng pulitika, handa siyang magpaubaya kung tatakbo sa pinupuntirya niyang posisyon ang kanyang mga kaibigan.

Malawak naman ang entablado ng pulitika sa kahit kaninong gustong maglingkod sa ating bayan, nasa puso ang pagseserbisyo, hindi yun puwedeng idaan sa pagpapakitang-tao lang.

Ang unang-unang gustong sugpuin ni Senador Bong kung bibigyan siya ng pagkakataon ng ating mga kababayan na manungkulan sa mas mataas na posisyon ay ang graft and corruption.

Totoo namang yun ang nagpapahirap sa ating bayan, masyadong malalaki ang bulsa ng mga tiwaling pulitiko na puro pansariling interes lang ang nasa utak, punumpuno na nga ang kanilang bulsa mula sa salapi ng bayan ay gusto pa rin nilang paapawin yun.

Wala silang kabusugan, mabuti pa nga ang mga literal na matatakaw at humihinto, kapag punumpuno na ang kanilang tiyan ay makikita mo na silang dumidighay sa isang sulok.

Pero ang mga tiwaling pulitiko, walang kabusugan ang kanilang mga kaban, hanggang meron silang nakikitang puwedeng pagkaperahan ay wala silang kapaguran.

Yun talaga ang dapat unahin ng mga mauupong lingkod-bayan, ang sugpuin ang kurakutan sa pamahalaan, nakakaawa naman tayong mga mamamayan na wala namang kinalaman sa kanilang mga tiwaling gawain pero tayo ang nagsasakripisyo sa kanilang mga kalokohan.

At nakakahiya ang kartada ng ating bayan, isa sa mga nangunguna ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang pinamumugaran ng mga kurakot na opisyal ng gobyerno, kilalang-kilala ang ating bansa sa usapin ng graft and corruption.

* * *

Sabi ni Senador Bong Revilla ay isa lang naman ang klase ng putik na puwedeng ibato nang personal sa kanya, yun ay ang pagiging chick boy, wala siyang imahe ng pangungurakot sa haba ng panahong nasa larangan ng pulitika na siya.

“Yun lang naman ang puwede nilang sabihin at ibira about me, ang pagiging chick boy ko, pero hindi na ako nambababae ngayon. Alam ng wife ko yan, alam niya na good boy na ako ngayon,” sabi niya na todo ang pagngiti nung minsang makakuwentuhan namin sila ni Lani Mercado.

Kung saang partido siya sasama ay hindi pa niya masasabi, ang mahalaga ay siya ang napupusuan ng kanilang partido para tumakbong vice-president, pero ang kanyang pagtakbo ay depende sa magiging desisyon nina Senador Jinggoy at Governor Vilma.

“Nagkausap na kami ni Jinggoy, sinabi niya sa akin na wala raw siyang planong tumakbo, gusto ko kasing malaman kung ano ang mga plano niya para wala akong masagasaan kung sakali man.

“Matunog din ang ikot ng balita na ta­takbo raw si Governor Vilma for vice-pre­si­dent, pero ang sabi naman sa akin ng mga close friends niya, sa Batangas muna siya magko-concentrate.

“Kailangan ko kasing irespeto ang decision nila, hindi ko itutuloy ang pag­kandi­dato kung meron akong masasaktan at matatapakan, mahalaga pa rin para sa akin ang friendship at ang respetuhan,” pahayag ni Senador Bong.

Kailan lang ay nagpunta siya sa Davao City at sa Aklan para alamin ang kalagayan dun ng ating mga kababayang matinding sinalanta ng bagyong Frank.

Pero hindi basta pangungumusta lang ang kanyang ginawa dun, may dala-dala na siyang tulong para sa mga nasalanta, aksiyon agad si Senador Bong Revilla dahil ang kalagayan ngayon ng mga sinalanta ng bagyo ay hindi na nangangailangan pa ng takdang panahon kung kailan sila mabibigyan ng suporta.

“Masyado akong nalulungkot sa mga nakikita ko, kalunus-lunos ang inabot nila nang dahil sa bagyo. Wala silang tirahan, wala silang pagkain, dun ko mas napatunayan kung gaano pa rin tayo kasuwerte,” pahayag ni Senador Bong Revilla.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites