<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, July 27, 2008

Dingdong Dantes mas pinalakpakan kesa kay Richard Gutierrez

NAPUNO na naman ang Araneta Coliseum nu’ng Biyernes ng gabi dahil sa BLACKOUT The Bench Denim & Underwear Show na tinampukan ng big stars na endorser nito.
Ilang araw bago nagsimula ang show, ang dami na naming nari-nig na merong muntik nang mag-backout dahil sa mainit na pinagtalunan kung sino ang nasa finale.
Itinanggi ito ni Mr. Ben Chan (may-ari ng Bench). Wala raw ganu’ng problema. Maayos daw ang lahat.

Pero wala sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz sa BLACKOUT. Narinig naming hindi sila natuwa sa exposure na ibibigay sa kanila.

Si Richard Gutierrez ang huling celebrity endorser na rumampa, pero mas tinilian si Dingdong Dantes na naghubad ng pantalon, at naka-underwear na lang ito.

Pinaghandaan nang husto ni Dingdong ang naturang show dahil ang payat niya at lumabas ang ganda ng katawan.

Habang rumarampa siya ay naka-focus siya sa ginagawa niya, kaya parang hindi raw niya nari-nig ang tilian ng fans.

Ang guwapo ni Dingdong nu’ng gabing iyun kaya proud na proud naman ang kasintahan niyang si Karylle na present nu’ng gabing iyun.

Naawa na raw si Ka­rylle kay Dingdong dahil hindi na raw ito halos kumakain para walang taba pagdating ng BLACKOUT.

Minsan ay dinadala pa niya si Dingdong sa restaurant at pinaorder ito ng paboritong pagkain, pero talagang hindi ito kumain.

Napabilib si Karylle kung gaano kapursigido si Dingdong para gumanda ang katawan.
Medyo nabitin ang fans dahil ilang sandali lang nakita si Dingdong na naka-underwear.

Nanood nu’ng gabing iyun ang mag-asawang James Yap at Kris Aquino. Dinig ko, pagkatapos ng show ay nag-text si Kris sa manager ni Dingdong na si Perry Lansigan para i-congratulate dahil ang alaga nito ang most-applauded sa naturang show.
Bukod kay Dingdong, maganda rin ang response ng audience kay Sam Milby.
Sayang at wala si Pio­lo na wagi rin siguro sa audience.

Nakaw-eksena sina Jake Cuenca, Enchong Dee (na parang may kahinhinan rumampa), Kian Kazemi at Rafael Rosell na may kuhang nakahubo’t hubad, pati na ang Men of Provoq (Josh Ivan Morales, Gabz del Rosario, Johnron Tañada at Niko Arellano) na may drama ring nakatalikod na nakahubo.

Natuwa kami at nagandahan kay Bubbles Paraiso na sanay sa rampahan. Medyo tumaba si Ehra Madrigal na inaasahan naming magpakita ng kaseksihan.

Hindi ko napanood ang Bench Fever two years ago, pero karamihan sa mga napagtanu-ngan ko, ang One Night Only at Understatement pa rin ang pinakamagandang underwear at denim show ng Bench.

Karamihan sa mga nakapanood nu’ng gabing iyun ay medyo nabitin at hindi gaanong na-impress dahil parang wala namang bagong ipinakita.

Pero ang Bench pa rin ang nangungunang appa­rel dahil sa kalidad nito at suportado pa ng mga sikat na endorsers.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites