<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, July 22, 2008

‘Eat Bulaga Day,’ dineklara sa California

TINITIPA namin ang item na ito ay ilang oras pa lang natatapos ang pagtatanghal ng Eat Bulaga barkada sa Los Angeles Sports Arena sa Los Angeles, California, Sabado ng gabi (Linggo riyan sa ’Pinas).

Maayos namang nairaos ng GMA Pinoy TV at Starmedia Entertainment ang Eat Bulaga L.A. Grand Fiesta, although after the show, muntik nang magkagulo nang dumugin ng mga kababayan natin backstage ang kinasasabikang triumvirate nina Tito, Vic at Joey, pati na ang special guests na sina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Hindi rin nila pinalagpas ang pagkakataong makakamay at makapagpalitrato sa dabarkads na sina Allan K, Pia Guanio, Julia Clarete, Pauleen Luna, Francis Magalona, Jose Manalo, Wally Bayola, Ruby Rodriguez, Jimmy Santos at Lougee Basabas. Mabuti na nga lang at walang nasaktan sa pag-uunahan nila.

Actually, nu’ng unaý sobrang higpit ng security na naka-detail sa loob ng venue. Pero kalaunan, naging lax, kaya sumikip ang bahagi ng stage na binababaan ng mga artista. Karambola tuloy ang mga fan sa pagpapa-picture at pagpapa-autograph tuwing may daraang celebrity.

Bago mag-umpisa, mga negrong malalaki ang katawan at pawang nakadilaw na T-shirt ang nagbabantay sa lahat ng lagusan patungong backstage at dressing room.

Maging ang mga involved sa production, sponsor at press, hindi basta-bastang nakakapasok unless may production pass at neon green na bracelet na inisyu ng Starmedia ni Anna Puno.

Kaso, sa sobrang higpit, lalo ng ilang tauhan ni Anna, pati ang mga may legit na partisipasyon sa event, naitataboy nang ganu’n-gano’n na lamang.

Matuk n’yong pati ang kasabay naming pumasok na si Noel Ferrer, manager ni Ryan, halos ayaw papasukin ng babaing nakaposte sa dressing room?

Masuwerte ang girl dahil “Miss Amityville” si Noel. Hindi siya tinarayan nito’t mahinahon pa ngang nagpakilala bilang manager ng fiance ni Juday.

Anyway, tatlong oras inabot ang show na namigay ng daan-libong piso at libu-libong dolyares sa iba’t ibang game portions, gaya ng Taktak Mo o Tatakbo, Kontrapelo: Sa Pula, Sa Puti.

Alas-singko ng hapon nagsimulang magpapasok ng tao, hitsura ng 7:30 p.m. pa ang performance. Dahil fiesta ang theme, nagkaroon ng parang Pinoy expo sa second floor, kung saan nag-serve ng mga pagkain at items na sariling atin. Actually, nakabuti ang maagang pagpapapasok, dahil hindi na naipon at nabagot ang mga tao sa labas.

Bongga ang opening number. Si Kiko ang unang sumalang at umawit ng Man from Manila, na sinundan ng pagsasayaw nina Ruby Rodriguez, Pauleen Luna, Pia Guanio, pagra-rap nina Anjo at Jimmy, pagkanta ni Lougee, pagma-magic ni Julia, pagpapakuwela ni Wally bilang Arwaney at pagwa-Wangbu ni Jose.

Ang signature hit ni Kiko na Mga Kababayan Ko naman ang nag-segue sa paglabas at pagkanta ng TVJ ng VST & Co. tune na Swing It, Baby. Sa puntong ito, halos lahat ng tao sa arena ay tumayo na upang sumayaw.

Hindi lang ang tatlong “pillars” ng EB ang mainit na tinanggap ng ating mga kababayan dito, kundi maging sina Juday at Ryan at Marian at Dingdong. Naunang tinawag ni Pia si Ryan sa stage, na siya namang nag-introduce sa fiance na kumanta ng No Ordinary Love.

Naki-join din ang engaged couple sa Kontrapelo: Sa Pula, Sa Puti portion, kung saan ang mga naging celebrity contestants ay pawang U.S.-based na sina Jo Awayan, Jessica Rodriguez, Dessa, Patricia Javier at Frida Fonda, ang dating Miss Body Language na ngayon ay isa nang dentista sa Orange County.

Miyembro rin ng red team ang dating Viva Hot Babe na si Ella V, na nakapag-asawa na pala ng isang Fil-Am na nakilala niya sa Manila.

Nu’ng March 21 lang daw sila ikinasal ng mister niyang si Shane Manalang, 28 years old at nagtatrabaho bilang physician’s assistant o tagapag-alaga ng mga mongoloid. May family-owned business ang lalaki at kahit hindi na mag-work ang hitad, kering buhayin ng asawa.

Two months na raw sa Long Beach, California, si Ella at nagbabalak magtrabaho sa administrative department ng Manalang business anytime now.

Sad lang, kasi lost ang team nilang pula nina Jo at Patricia sa puting grupo nina Jessica, Dessa at Frida, na nag-take home ng premyong $2,000.

Sa bandang huli na ng show sumalang si Dingdong, na ang rendition ng medley of Eraserheads hits, like Pare Ko, Magasin at Huling El Bimbo ay tinilian ng female crowd. Pagkatapos niya, ang Dyesebel leading lady namang si Marian ang nagpakitang-gilas sa pagsasayaw at umani rin ng malakas na hiyawan, lalung-lalo na mula sa MarianKnights International na may malalaki pang banner proclaiming Popoy Caritativo’s ward as the “Shining Phenomenal Star of the New Year.”

Klik din ang pakiki-join ng dalawa sa pagkakagat-labi ng ilang participants from the audience.

At any rate, maliban sa presence ng apat na sikat na personalidad, ang isa sa nagsilbing pinakamatinding highlight ng Eat Bulaga L.A. Grand Fiesta ay ang pagde-declare ng July 19 bilang “Eat Bulaga Day” sa buong state ng California.

Present si Senator Leland Yee, assistant president pro tempore, sa Los Angeles Sports Arena para personal na iabot kina Tito, Vic at Joey ang certificate ng naturang pagkilala.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

kahit,anong gawin ng eat bulaga # 1 parin wowowee.....eat bulaga sa luzon lang kayo #1........dahil visayas,mindanao at buong mundo WOWOWEE ANG TUNAY NA NUMBER 1....

5:50 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites