<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, July 26, 2008

Eat Bulaga show, a success in LA

Natawa na lang kami sa natanggap naming email na sinisiraan ang show ng Eat Bulaga na ginanap nu’ng Hulyo 19 sa Los Angeles Sports Arena.

Saksi kami mismo kasama ng iba pang mga kapatid naming journa­list na galing ‘Pinas sa nasa­bing event kaya nakasisiguro kaming mali ang impormasyong ikinakalat ng email sender.

Naisulat na namin dito pagkatapos na pagkatapos ganapin ang Eat Bulaga Grand Fiesta in LA na hindi binuksan ang uppermost section ng OA sa laking LA Sports Arena na mahigit 16,000 ang total seating capacity.

Normal na ginagawa ‘yon ng mga live stage show sa nasabing venue na hindi inookupa ang buong lugar para mas ma­ging intimate ang au­dience at manageable ang crowd lalo na kung hindi naman ito isang major sports event.

Pero kahit na ang arena area (floor section) at loge area (middle section) lang ng nasabing ve­nue ang binuksan at hindi isinama ang concourse area (bleacher section) ay napakalaki pa rin ng 6 to 7,000 seating capacity ng dalawang bukas na area para sa isang live variety show na katulad ng Eat Bulaga.

Ang nakatutuwa nga, obvious na madadatung ang mga taga-Amerika dahil mas mabenta ang mga mahal na tiket ($100 at $75) kumpara sa mas mura ($50 at $35).

Kaya napansin namin na mas puno ang mga upuan sa lower section ng venue kesa sa itaas, kaya tama lang din na hindi na in-open pa ang bleacher area.

Sigurado kaming hindi apektado sa mga ganitong klase ng paninira ang TAPE, Inc., GMA Pinoy-TV at Starmedia Entertainment dahil alam nilang isang malaking tagumpay ang LA show ng Eat Bulaga at hindi matatawaran ang kasiyahang inihatid nila sa ating mga kababayan sa baha­ging ‘yon ng Amerika.

***

Hindi lang mga Pinoy at Fil-Ams ang dumagsa sa LA show ng Eat Bulaga, marami ring nanood na Amerikano at fo­reigners na naaliw nang husto sa longest-running noontime variety show in Philip­pine television.

‘Yun ang masarap sa pagsu-show sa ibang bansa, bukod sa napapasaya mo na ang mga kababa­yan nating nasa malala­yong lugar ay nae-expose pa ang mga local shows natin sa foreign audience, na in fairness ay curious din sa mga Filipino programs.

Kaya hindi kami nagtataka kung bakit ganu’n na lang kung makipag-cooperate ang TAPE big boss na si Mr. Tony Tuviera sa Kapuso network ngayong meron nang GMA Pinoy-TV para dalhin sa iba’t ibang sulok ng mundo ang Eat Bulaga, na sabi nga nina Tito, Vic & Joey ay parte na ng kulturang Pinoy.

Sigurado rin kaming masaya ang US producer ng Eat Bulaga Grand Fiesta na si Ms. Ana Co Puno ng Starmedia Entertainment. Maliban kasi sa ticket sales ay grabe sa dami ang sponsors ng EB show.

Nu’ng presscon sa Glendale, CA ay super-haba ng ipinalabas na VTR na isa-isang ipina­kita ang santambak na sponsors ng show.

So, nu’ng photo-op ng mga sponsor kasama ng Eat Bulaga barkada, akala namin ay wala nang katapusan ang piktyuran kaya gutom na gutom ang grupo nang mag-late dinner after the presscon.

Ang medyo ikinalokah namin ay nu’ng mismong araw ng show na hanggang sa backstage ng LA Sports Arena ay go rin ang ilang sponsors para magpa-picture sa EB dabarkads mereseng ongoing ang show.

Pati ang karamihan sa mga itinalagang ushers at security ay sila pang aligaga sa pagpapakuha ng litrato. Mas nawindang kami after ng show na mula sa dressing room ng mga artista papunta sa back area kung saan kami e-exit ay mabilis na napuno ng tao kaya nakuyog nang husto ang EB tropa at kandahirap sa paglabas ng venue.

Ganunpaman ay sobrang saya ng lahat dahil sa successful show na ‘yon na siguradong gusto pang maulit muli ng mga kababayan natin sa Cali­fornina.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites