<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, July 29, 2008

Jennylyn Mercado under observation sa ospital

Usap-usapan ngayon ang tungkol sa biglaang pag-rush kay Jennylyn Mercado sa St. Luke’s Medical Center kamakailan dahil sa pananakit ng tiyan.

Ayon sa panayam kay Dr. Judy Ann Uy, (OB-Gyne ni Jen) nagkaroon daw ng contractions ang aktres kung kaya’t isinugod ito sa ospital nu’ng Sabado ng madaling araw.

Nabalitaan din naming 34 weeks pa lang ang tiyan ni Jen at may ilang araw pa siyang dapat buuhin para maging full- term ang pagbubuntis ng aktres. Para hindi maging pre-mature ang kanyang panganganak.

Maliwanag na paha-yag ng OB ni Jen na nagkaroon ng pre-term uterine contractions resulting to threatened pre-term labor, ito ay ayon mismo sa doktor ni Jen.

Dagdag pa nito, bini-bigyan daw nila ng medication si Jen gaya ng IV tocolytics to control the pre-term labor.

Sa ngayon daw ay naku-control ng mga doctor ni Jen ang contractons at labor pains ng aktres, ‘yun nga lang mahigpit pa rin nilang binabantayan ang kundisyon ni Jen dahil nagkakaroon daw ito ng reaksyon sa nasabing mga medikasyon.

Under observation pa rin ang kalagayan ng aktres. May mga nagtatanong kung hanggang kailan si Jen sa ospital, hindi pa rin umano malaman kung until when ang itatagal niya roon.

Iba-iba raw kasi ang nararamdaman ng aktres kaya mas maigi pang nasa pangangalaga na muna siya ng kanyang mga doktor.

Hangad namin ang isang safe delivery for Jen. Naging kontrobersyal at stressful ang pagbubuntis ng aktres, ‘di ba?

Siguradong kaya ng powers ni Jen ‘yan. Excited na raw ang aktres na ma-kita at mahagkan ang anak niya sa paglabas nito sa mundo.

Go, girl!

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites