<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, July 18, 2008

‘Jukebox queen’ makaka-bonding ni Regine Velasquez

BATA pa si Regine ay pa-milyar na siya sa songs na sumikat noong late ‘60s at early ‘70s.

Kasi, ito ang mga pa-borito ng kanyang parents at madalas nilang marinig na magkakapatid na inaa-wit ng mga ito.

Ngayong Sabado nang gabi’y ang jukebox queens na sina Eva Eugenio, Claire dela Fuente at Dulce ang tampok sa Songbird hos-ted by Regs a.k.a. Kim Sam Soon. Kaya naman ang future bride ni Ogie Da Pogi ay biglang naging dobleng excited na makadaupang-palad at maka-bonding ang mga idolo.

Sayang nga’t nasa Tate ang isa pang JB queen na si Imelda Papin.Sana’y na-buo ang barkada, devah? Ang mga walang kamata-yang songs na maririnig sa musical extravaganza ay: Isang Linggong Pag-ibig, Sayang, Tukso, Ako Ang Nagwagi, Saan Ako Nagkamali, Bakit Ako Mahihiya, atbp.

Tuwang-tuwang ibina-lita sa amin ng direktor ng show na si Louie Ignacio na mula nang ilipat ito sa Sa-turday ay lalong tumaas ang reyting sa program sur-veys. Kakaiba, kasi at tala-gang nakaaaliw pakinggan ang musika at panoorin ang napaka-glossy at class na set ni Rollie de Leon.

Just in case you don’t know, si Maestro Raul Mit-ra ang nagbibigay ng bago at napapanahong areglo sa mga awitin sa Songbird. “Binubusisi talaga ni Raul ang mga areglo. Minsa’y one day before the taping ay saka lang niya naipadadala sa’kin ang study tape. At isang oras bago ang taping proper ay sa-ka lang kami nagre-rehearse. Pero okey lang. Kabisado ni Raul ang kapasidad ko. Kaya, swak namang lahat ang areglo at nagiging smooth ang la-hat,” sey ni Ms. Songbird.

Sa buwang ito’y nag-se-celebrate si Mr. Songwri-ter Ogie Acasid ng kanyang ika-20 years sa showbiz. At kaugnay nito’y nag-release siya ng isang napaka-special na album (his 20th album) na ginawa ang launching sa SOP last Sunday. Grabe at bongga ang album dahil ang contents nito’y mga pinasikat ng mga maituturing na ‘le-gend’ sa larangan ng musika.

Singers na sinasaluduhan at naging inspirasyon ng ‘ismol bat teribol’ na si-nger, composer, product endorser, TV host at comedian. Ayon kay Ogie ay na-ging malaking influence sa kanya sina Rey Valera, George Canseco, Hadji Ale-jandro, Basil Valdez, Leah Navarro, Bituin Escalante at Ryan Cayabyab. Kaya naman dapat lang na sa isang natatangi at memo-rable album ay kasama si-la.

Natural na proud naman si Regine sa kanyang mister-to-be na bukod sa sikat ay respetado ng publiko at mga kapatid nila sa showbiz.

Sa mga nagtatanong kung kelan ang kasalang Velasquez-Alcasid, ito lang ang aming masasabi: Kapag naayos na ang pagpapawalang-bisa ng kasal ni Ogie kay Michelle Van Eimeren ay asahan ninyo ang isang engrandeng event. “Regine deserves the best. Si-sikapin kong ang aming wedding ay naiiba at makakapagpaligaya sa kanya,” sey ni Ogie.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites