<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, July 22, 2008

Katrina Halili ‘di raw kayang kataluhin si Cristine Reyes

Nagsalita na si Katrina Halili tungkol sa isyung pagiging number one umano ni Marian Rivera sa kanya sa FHM’s Sexiest Women.

Napanood namin ang panayam kay Katrina at sinabi niyang walang problema sa kanya kung si Marian man ang itinanghal na Philippines’ Sexiest Woman now kasi nga’y seksi naman daw talaga ang dating kasamahan niya sa teleseryeng Marimar.

Nang tanungin si Katrina kung sino ang mas seksi sa kanila ni Marian, agad nitong sinabi na siyempre, mahal niya ang sarili niya. Kaya sarili niya ang kanyang ipinagmalaki. Love your own ito, huh. Saka dalawang beses na siyang naging Sexiest Woman chorva sa FHM, that’s more than enough proof na seksi siya at wala na siyang dapat pang patunayan sa mga nang-ookray sa kanya.

Hindi rin daw dapat malisyahan ang closeness nila ni Dennis Trillo, magkaibigan lang sila ng aktor.

Say pa ni Katrina, chummy rin daw sila ni Cristine Reyes kung kaya’t malabo talagang ma-link o magkaligawan sila ni Dennis.

Eh, bakit may chikang ‘baby” pa umano ang ta-wagan nila ni Dennis? “Wala ‘yun. Tuksuhan lang namin ‘yun ni Dennis. As in, magkaibigan talaga kami at kakulitan ko siya sa set,” sabi ng paboritong kontrabida ngayon ng televiewers.

Sa ngayon gusto raw muna ni Katrina i-enjoy ang pagiging isang kontrabida. Mas kumportable raw siyang gawin ito kesa maging bida siya. Feel talaga ni-ya ang mang-api kesa magpaapi, huh.

May mga hindi man kagandahan kaming naririnig about Katrina, pero gusto namin siya. Nagpapakatotoo lang siya, at kumbaga kung hindi siya magustuhan ng iba, wala siyang keber. ‘Yun na!

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites