<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, July 03, 2008

Mae Flores exits Pinoy Idol

Isang babae na naman ang natanggal sa Pinoy Idol elimination kagabi.

Si Mae Flores ang nagpaalam sa 10 kasama niya.

Sinundan niya si Jeni Rawolle na unang natanggal sa Final 12 nung isang linggo.

Punung-puno ng fans at supporters ang Center Stage ng SM Mall of Asia upang masaksihan ang performances ng mga contestant at matunghayan kung sino sa mga iniidolo nila ang matitira.

Ang 10 contestants ay kailangang magpakitang-gilas upang masigurado ang kanilang kinalalagyan at tumagal pa hanggang sa Grand Finals na gaganapin sa Agosto.

Ang sampung Idol hopefuls na natitira ay sina Penelope, Jayann Bautista, Gretchen Espina, Sue Ellen, Ram Chaves, Kid Camaya, Daryl Celis, Warren Antig, Toffer Rei and Robby Navarro.

Silang lahat ay haharap sa mas masusing training mula sa mga nirerespetong personalidad sa Philippine music industry.

Tuluy-tuloy naman ang pagboto ng mga viewer at supporters ng 10 kalahok hangga’t marating nila ang finals ng pinakamalaking talent reality program ng Kapuso network.

Mabuting balita rin ang handog ng Pinoy Idol sa kanilang mga masugid na tagasubaybay dahil maaari nang mapanood ng live ang performance at elimination night sa Center Stage ng SM Mall of Asia.

Libre ang tickets.

Mag-text lang kay Mega sa 0918-569-3270 o kay Andy sa 0919-608-3478, audience coordinators ng Pinoy Idol.

Paalala lamang na mahigpit na pinagbabawal ang pagsusuot ng shorts o tsi-nelas sa mga nais manood.

Bilang dagdag na handog para sa Pinoy Idol fans at supporters, may series ng mall shows sa sumusunod na SM Malls: July 4 - SM Megamall; July 11 in SM San Lazaro; July 18 in SM North Edsa; July 25 in SM Valenzuela; August 1 in SM Taytay and August 8 in SM Sta. Mesa.

Ang natitirang mga kalahok ay magtatagisan ng galing at talento tuwing Sabado na mapapanood pagkatapos ng Pinoy Records.

Habang ang elimination night naman ay ipapalabas sa Linggo pagkalipas ng Kap’s Amazing Stories.

Samatala, mapapanood ang Pinoy Idol Extra tuwing Linggo pagkatapos ng S.O.P. at Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dalja’s Spring.

Tuloy ang pagtutok ng lahat sa GMA 7 sa pag-aabang kung sino ang magiging kauna-unahang Pinoy Idol!

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites