<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, July 26, 2008

Mark Anthony Fernan­dez willing magpakita ng puwet

Nagpa-“thank you” si Mark Anthony Fernan­dez sa ipinarating namin na siya ang Bagong Crush ng Bayan, and never mind kung married na siya at may dalawang anak, basta “hottie” pa rin siya sa pa­ningin nang nakapanood ng Impostora, Ka­man­dag at ngayon sa Ako Si Kim Sam Soon.

Nagpapasalamat din si Mark Anthony sa maraming mas nagwagwapuhan at naseseksihan sa kanya. Natawa ito nang malamang may mga na-disappoint na viewers ng ASKSS na sandali lang ang eksena niyang naka-swimming trunk. Sa light­ing at camera man naman siya nagpapasa­lamat at sa Kino-flo, isang special light na natatago ang imperfection ng mukha at naha-highlight ang dapat ma-highlight.

May natutunan tuloy kami, dahil sabi ni Mark, hindi lumalabas si Michael Jackson at ang papa niya (Rudy Fernandez), kung wala ang Kino-flo na tingin namin, fluorescent lamp lang naman. Gusto nga nitong ipa-experience sa press ang magic ng Kino-flo, magpa-picture raw kami kasama siya at gamit ito para makita namin ang kaibahan, hindi lang natuloy.

Ang ganda ng tawa ng actor sa tanong kung payag siyang matawag na sexy actor at payag sa butt exposure?

“If my butt is ready, why not? But, I don’t know if they want to see my butt. Kung may kuwento, bakit hindi? Paghahandaan ko muna ‘yun.”

Enjoy sa comedy si Mark, kaya kahit tuhog ang mga eksena niya sa ASKSSM, ‘di namin siya kinakitaan ng pagod. Natatawa rin ito kay Regine Velasquez na “Magandang makisama at magaling makibagay.”

May naririnig nang next project niya si Mark, pero ayaw muna niyang pag-uusapan. Nagulat lang kami, dahil ang dream project nito sa TV ay ang remake ng Starzan ni Joey de Leon. Kung ibibigay sa kanya ang project, payag siyang magsuot ng bahag. Si Regine pa rin ang gusto niyang maging Jane at nabanggit din nito si Stef Prescott. Paging GMA-7!

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites