<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, July 29, 2008

Nadine Samonte lalabas na sa Ako si Kim Sam Soon

This week na lalabas ang character ni Nadine Samonte sa Ako si Kim Sam Soon at kung saan, gagampanan niya ang role ni Hannah, ang girlfriend na umiwan kay Cyrus (Mark Anthony Fernandez). Hindi napanood ng young actress ang original version ng Kim Sam Soon nang ipalabas sa GMA 7, dahil hindi nakarating ang DVD copy na pinaikot sa cast.

Karamihan sa eksena ni Nadine ay kasama sina Mark at Regine Velasquez at nang dumalaw kami sa taping ng comedy series sa Canyon Woods, may confrontation at sabunutan sila ni Regine. How is it working with the Songbird?

“Okey siya, masaya at nakakatawa siyang kasama. Hindi ko akalaing puwede siyang mag-comedy. Sa rehearsal pa lang, tawanan na kami. Mamaya sasabunutan ko siya, ayaw kong isiping si Regine Velasquez ang aawayin ko at baka lalo akong kabahan at kailangan may care pa rin ang pagsabunot ko sa kanya,” sabi ni Nadine.

Si Dr. Hayden Kho ang love interest ni Nadine sa comedy series, hindi ba siya natatakot ma-link sa boyfriend ni Dr. Vicki Belo ?

“Ngeee! Bakit kami mali-link? Galit ako sa kanya sa eksena, pero lahat naman nali-link. Okey lang ma-link, mga tao naman ang nagli-link , ’wag lang for real,” sagot ni Nadine.

Nagagwapuhan ba siya kay Doc Hayden?

“Okey lang! Matangkad siya.”

Samantala, mag-i-enroll ng photography sa College of St. Benilde sa August si Nadine. Bukod sa hilig niya ang photography, wala raw maayos na studio sa lugar nila sa Sta. Rosa, Laguna at siya ang magtatayo ng photo studio ’pag natapos ang three-year course. Nagbabalak na rin itong bumili ng Canon o Nikon camera para sa kanyang pag-aaral.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites