<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, July 28, 2008

Regine Velasquez nagkaka-migraine kapag ’di nakikita si Ogie

IPINAGTAPAT ni Regine Velasquez sa piling press na dumalaw sa set ng Ako si
Kim Samsoon na kapag hindi niya nakikita ng isang araw ang boyfriend na si Ogie Alcasid ay nagkaka-migraine siya.

Ganito raw siya ka-sensitive sa relasyon nila ni Ogie. Mahal na mahal daw niya kasi ang singer-composer ng higit pa sa lahat.

Kaya sa isyung lumalabas na madalas ilang mag-away, aminado si Regine sa aming interview na siya ang madalas na may kagagawan ng kanilang pag-aaway ni Ogie.

“Petty quarrel lang iyon. Alam ko na mapapatawad niya ako agad. Hindi naman ako gumagawa ng bagay na ikasasama talaga ng loob ni Ogie,” wika pa niya.

Sa soap opera, ‘di naman daw nagseselos si Ogie sa kissing scene nila ni Mark Anthony Fernandez. Sabay pa raw silang manood minsan ng programa.
* * *
MALI-MALI pala si Izzi ng Sex Bomb. Nabuking ito ng staff na nahirapan kay Izzi habang kinukunan ang episode na “Exterminator” para sa Kung Ako Ikaw na ipalalabas simula ngayong Monday.

Ang magiging trabaho ng kasama pa ni Izzi na sina Jade Lopez at Ana Roces ay patayin ang lahat ng daga sa bahay na may peste nito.

Eh, sobra palang matatakutin si Izzi. Makita lang ang daga ay natataranta na ito at lumabas ang kanyang pagiging mali-mali. Buti na lang at napagtiyagaan siya ng staff ng KAI.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites