<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, July 03, 2008

Richard Gutierrez: may KC na, may Heart pa!

Wala si Richard Gutierrez dito sa premiere ng Codename: Asero sa July 14, dahil sa nasabing petsa rin ang alis nila ni KC Concepcion para sa two-week shooting ng For The First Time, ang movie nila sa Star Cinema. Siguradong maya’t maya’y tumatawag ito para kumustahin ang takbo ng bago niyang series sa GMA 7.

Habang hindi pa nakakaalis, magpo-promote ng husto ang actor para panoorin ang Codename: Asero na kung saan, magpapakita siya ng maraming bago, gaya ng tapwondo o mas kilala bilang combat aikido. Nag-training siya sa patnubay ng grupo ni Master Monching Gavileño para mas makatulong sa role na gina­gam­panan niyang si Grecko Abesamis.

Bukod sa tapwondo, marunong din sa kickboxing, muay Thai at arnis si Richard, idagdag pa ang pagiging karate brown belter. Regular din ang training ng actor ng boxing, weights at iba pang-pampaganda at pang-kondisyon ng katawan na kailangan para sa series. Marami pa tayong malalamang paghahanda niya sa presscon ng series sa July 7.

Samantala, abangan sa Saturday ang unveiling ng billboard ng Codename: Asero na iko-cover ng live ng Startalk. Mapapanood din sina Richard at Heart Evangelista at ibang kasama sa grand launching ng action-packed series sa SOP, Showbiz Central, at All-Star K sa July 13, at susunod agad ang primer ng show.

Ang suwerte ni Richard, ’no? May Heart na, may KC pa!

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites