<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, July 29, 2008

Richard Gutierrez sinabotahe sa Bench Show?

ANNABELLE Rama feels her son Richard Gutierrez was not treated well in the recent Bench fashion show. “Naka-headline na walang ti-lian sa kanya at mas malakas ang tilian sa iba,” she says. “Paano ngang titili when we didn’t even know when he came out. Biglang lumakad na lang siya on stage. Kinalabit lang ako ng kasama ko, ‘Si Richard, si Richard.’

Ako nga mismo, hindi ko nakilala kasi iba ang hitsura niya. Pinaitim ang mukha at body niya dahil dun siya lumabas sa Blackout portion.

Ni walang pangalan niya na nakalagay sa big screen at ni walang VTR. Samantalang dun sa iba, may fanfare, may big photos bago pa sila lumabas. Actually, ayoko na ngang sumali ang anak ko diyan. Kasi sabi, kasama raw siya sa finale nina Dingdong (Dantes) at Piolo (Pascual). Ayoko nga, kasi mas mga matatanda ‘yun sa kanya, no? Pero mas senior siya sa mga ‘yun as Bench endorser. Nakiusap lang sila sa’kin, lalo si Douglas (Quijano), dapat daw tumanaw ng utang na loob sa Bench dahil diyan siya nagsimula. Kung alam ko lang ganun ang mangyayari, hindi ko na siya pinasama at pinag-taping ko na lang siya ng ‘Asero’. Kaya nga tinext ko agad si Douglas na hindi ako happy sa kinalabasan ng show. Biro mo, umuwi ang anak ko agad from his shooting sa Greece para uma-bot lang dun sa fashion show, tapos, ginanun lang nila. Sabi ni Richard Gomez, sa meeting daw nila, sinabihan na niyang dapat, lagyan ng pangalan ang mga artista para makilala agad ng audience. Kasi sa Roof a Child fashion show namin, lahat ng artistang sumali, paglabas on stage, nakalagay ang pangalan sa screen. Sa bagay, hindi lang si Richard ang ginanun nila. ‘Yung ibang artista, wala ring pangalan kaya ang mga tao like Dr. Vicki Belo, tanungan nang tanungan: Sino ‘yan? Sino yan? Bale ba, naghanda talaga diyan ang mga alaga ko. Hindi kumain, nag-work out, nagpa-doktor para gumanda sila talaga for the show, sina Ehra at Michelle Madrigal at Bubbles Paraiso, tapos, ni wala rin silang pangalan. Paano sila makikilala, lalo na ng mga nasa bleachers na ang layo-layo sa stage? Kabastusan naman ‘yun kasi wala namang bayad ang participation nila sa show na yan.”

How does Richard himself feel about it? “Napakabait talaga ng anak ko. Siya pa ang nagsasabi sa’kin, Ma, dont worry. Okay ako. Tili lang ‘yan. Ang importante, napagbigyan ko si Mr. Ben Chan at sumali ako sa show niya. Nagre-rate naman ang show kong ‘Asero’ kaya okay ako. E, ako, as manager, I feel that I should complain. Kasi nakipag-cooperate nang husto sa kanila ang anak ko pati sa rehearsal. Hindi umalis, kahit inaantok na siya dahil may jetlag pa siya from Greece, hanggang hindi natapos pati second run through nila. Kinunan pa siya ng pictorial ni Jun de Leon para raw ilalabas daw dun sa show. Hindi naman ginamit? So anong ginawa nila roon? Sinabotahe lang nila ang anak ko. Kaya last time na ni Richard dyan sa show. Pati sa Bench, hihintayin na lang namin mag-expire ang contract niya with them. Kinukuha nga siya ng Jag, ang ganda-ganda ng offer. Buti pa si Piolo at pinull-out na lang ni Johnny Manahan kaya hindi kasali sa show. Sana ganun na rin lang ang ginawa ko.”

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites