<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, July 08, 2008

Vicente "Tito" Sotto III, to leave Eat Bulaga?

MANUNUMPA na ngayong Martes ng umaga si dating Senador Vicente Sotto III, kilala sa tawag na “Tito Sen,” bilang chairman ng DDB o Dangerous Drugs Board, kapalit ng nagtapos ng termino na si Anselmo Avenido.

Ito ang napag-alaman ng Tonight sa eksklusibong panayam sa asawa ng singer-actress na si Helen Gamboa.

Inamin ni Tito Sen na tulad nang una siyang pumasok sa pulitika, tutol ang kanyang kabiyak na si Helen.

“Pero parati naman niyang naiintindihan ang aking advocacy,” aniya. “Si Helen naman, parating supportive sa lahat ng gawain ko,” aniya pa.

Magugunitang naging mailap sa media si Tito Sen nitong mga nagdaang araw dahil ’di pa niya kumpirmado ang appointment sa nasabing posisyon.

“Na-finalize lang ang pakikipag-usap ko kay PGMA noong June 12. Pero matagal bago niya napirmahan ang aking appointment,” kwento ni Tito Sen.

“Noong Friday, nagpunta ako kay Executive Secretary Ermita at siya ang nagbigay sa akin ng appointment na pirmado na ni PGMA,” dugtong pa ng masayang co-host nina Vic Sotto at Joey de Leon sa Eat Bulaga.

Magugunitang ang kasikatan ni Tito Sen bilang singer-actor, lalo na ang pagiging co-host sa longest- running variety noontime show na EB, ang naghatid sa kanya bilang vice mayor ng Quezon City noong 1988 hanggang 1992.

Simula noon, manaka-naka na lang siyang napapanood sa nasabing tv show. Nabuhos ang kanyang loob sa Quezon City at ang una niyang hinarap ay ang kilusan laban sa droga sa nasabing lungsod.

Maraming ulit na nalagay sa panganib ang kanyang buhay dahil sa lantarang paglaban sa druglords, subali’t ’di siya natinag.

“Pagkatapos ng term ko bilang vice mayor, puwede na ’kong tumakbo bilang mayor, pero minabuti kong sa pagka-senador ako tumakbo para makapaghain ng bill laban sa droga. Noon ay napakaraming butas sa umiiral na batas,” aniya.

Bitbit ang hangaring makatulong sa pagsugpo sa talamak na bisyong ito, halos walang kahirap-hirap nakumbinse ni Tito Sen ang sambayanan para siya ay mahalal sa termino.

Pagdating sa Senado, ang unang-unang bill na inihain niya ay ang panukalang batas laban sa droga. Napagtibay lamang ang bill na ’yon noong 2002 at nakilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

“Ngayon lang ako lubos na magkakaroon ng tuwirang kapangyarihan para maipatupad ang implementasyon ng batas na naaayon sa itinatadhana nito,” ang masiglang pahayag ni Tito Sen.

Alam n’yo bang noong 1997, dapat ay vice presidential candidate si Tito Sen, subal’t napurnada ’yun nang ayon sa kanya ay “nasagasaan ako ng kontrobersiya.”

Magugunitang idinawit ang kanyang pangalan sa aktibidad ng isang impluwensyal at hinihinalang druglord nang panahong ’yun, kaya nabahiran ang kanyang pangalan.

Pero ’di naglaon, napatunayang black propaganda pala ang mga iyon para ’di siya makatakbo bilang vice president.

Sa halip, tumakbo uli siya sa pagka-senador noong 1998 at tulad nang una, walang kahirap-hirap siyang nahalal sa ikalawang pagkakataon hanggang 2004.

Sa ikalawang termino, muli niyang inilaban ang bill laban sa droga at napagtibay ang “Dangerous Drugs Act of 2002.”

Komo nakadalawang termino na sa Senado, ’di na siya puwedeng kumandidato sa nasabing posisyon. Muli natin siyang napanood noon sa EB tuwing Sabado.

Noong presidential elections ng 2005, naging campaign manager siya ni Fernando Poe Jr. ’Di nga lang pinalad, dahil sa maraming kadahilanan.

Kumandidato uli si Tito Sen sa pagka-senador noong 2007, pero nabigo. Kaya muli na naman natin siyang napanood sa EB.

’Di kaya isipin ni Malou Choa-Fagar na ginagawa mong panakip-butas ang EB, dahil kapag wala kang trabaho, nandu’n ka? biro namin kay Tito Sen.

“Hindi naman siguro,” tugon niya, “Pero tatanungin ko rin ang Malacañang kung puwede pa ’kong mag-EB,” aniya pa.

“Puwedeng chairman, puwedeng Tito Sen, puwedeng Tito Sec. at puwedeng Tito lang,” ang tugon niya nang tanungin namin kung ano ang gusto niyang itawag sa kanya. Good luck, Tito!

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites