<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, August 04, 2008

Co-produ ng ‘Eat Bulaga L.A. Grand Fiesta,’ nagsalita na!

SA gitna ng umiinit na diskusyon tungkol sa kinukuwestiyong tagumpay ng Eat Bulaga L.A. Grand Fiesta na ginanap sa Los Angeles Sports Arena nu’ng July 19, nagsalita na ang co-producer nitong si Anna Puno ng Starmedia Entertainment.

Bukod sa EB L.A. special na napanood na sa GMA-7 nu’ng Sabado at writers na kasama sa entourage gaya namin, si Anna ang isa sa makapagpapatunay na kumita nga ang nasabing pagtatanghal dahil siya ang co-producer with GMA Pinoy TV.

Kadarating lang niya ng ’Pinas nang makausap namin kahapon ng umaga. Naririto raw siya para ayusin ang ipo-produce na Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Marian Rivera at Dingdong Dantes show sa Guam February next year. Sa Tuesday ang balik niya sa L.A.

Pagbungad pa lang, halatang disappointed na ang boses ni Anna sa kontrobersiyang nilikha ng mali-maling tsismis na nag-umpisa sa Internet.

Aniya, takang-taka siya kung bakit kailangang gawan ng issue ang hindi nila pagbebenta ng tiket sa gallery o bleacher section, gayung ganu’n din ang naging takbo ng bentahan nu’ng dalhin nila roon ang kalabang programa ng EB nu’ng isang taon.

“Ganundin ang ginawa namin with Wowowee before, but no one made a fuzz out of it. Bakit? Eh, wala rin namang tao sa portion na ’yon noon.

“’Yun talaga ang ipinagtataka ko, why are they capitalizing on that now, you have to gauge why. Why this one?

“Definitely, hindi totoong flop ang show. We really did not sell tickets for the bleacher section dahil sa laki ng arena, masyado na itong malayo for the audience to even see anything. Kung gagawin namin ang pagbebenta, magiging unfair kami sa mga kababayan natin.

“Sa totoo lang, this is the first time I’ve experienced something like this ever since I started bringing shows sa Amerika. Walang ganito. I don’t know who’s creating this, I’m terribly disappointed.

“Ang kinunan pa nila ng picture, eh, ’yung bleacher section na wala talagang tao dahil hindi nga kami nagbenta ng ticket. It’s full. It’s really full, I know that,” mahabang himutok ni Anna.

In-insist uli nitong hindi flop ang EB sa L.A., gaya ng nasulat dito, na naging ugat ng pagre-resign bilang kolumnista ni Joey de Leon sa Manila Bulletin at paghahamon sa entertainment editor na si Dindo Balares ng sister paper nitong Balita na pangalanan ang sinasabing GMA-7 executive na nagpatotoong hindi tinao ang palabas.

“I’m not the type na magtatago, Ian,” patuloy pa niya. “Sinasabi ko ang totoo kung kumita o hindi ang mga pino-produce ko.

“I want to make it clear na a day before the show, sold out na ang $50, $75 at $100 tickets. Ang puwede na lang bilhin that day, ’yung tig-$35. “Gusto ko tuloy habulin ’yung writer na nagsulat na flop ang EB sa L.A. at itatapal ko sa kanya ang certification na galing sa mismong management ng sports arena.

“How can he say those things, he wasn’t even there to see it? Ang ano ko na lang, I’m preparing a review about it and we’re getting a certification from the sports arena next week para malaman nilang hindi talaga kami nagbenta ng tickets for the bleacher section.”

Pati ang ala-alalay ni Anna, ang Manila-based na si Bernard Cloma, nakausap din namin kahapon at sinang-ayunan nito ang mga pahayag ng Starmedia produ.

Dugtong na tanong pa ni Bernard, bakit kailangang siraan ang pagtatanghal ng Eat Bulaga sa Los Angeles, gayung ang katotohanan, eh, kumita naman ito?

May pinakawalan pang mataray na komento si Bernard, pero ’di na namin isinulat dahil siguradong pagmumulan na naman ng panibagong round ng intriga.

Habang tinitipa ang item na ito, itsinika ni Bernard na panay ang tawag sa kanya ni Direk Bobot Mortiz para ma-interview siya (Bernard) ng The Buzz.

Pero hanggang ibaba namin ang phone, hindi pa nito matiyak kung pagbibigyan niya ang diumano’y hinihiling na interview ng bayaw ng ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio para sa The Buzz.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites