<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, August 14, 2008

Dolphy at Vic Sotto, hanep ang chemistry

BUHAY na buhay ang audience sa premiere night ng Dobol Trobol (Let’s Get Redi 2 Rambol) nu’ng Martes sa SM Megamall Cinema 10.
Klik na klik ang mga pakwela ng dalawang Hari ng Komedya na sina Dolphy at Vic Sotto sa unang pelikulang pinagsamahan nila.
Sa sobrang pagkaaliw ng audience, bukod sa malakas na tawa­nan ay may hiyawan with matching palakpakan pa sila sa maraming nakakatuwang eksena.
Maraming beses nang napanood sa co­medy movies ang kuwento ng dalawang bidang mala-aso’t pusa at hindi matanggap ang isa’t isa, pero dahil sina Dolphy at Vic ang gumawa nito ay nagawan ng bagong atake at naging riot ang dating.
Nananahimik ang buhay ni Macario (Dolphy) sa pinagtatrabahuhan niyang resort kung saan siya ang tumatayong kanang-kamay ng kumpare niyang may-ari nito (bukod doon ay cook din siya, sekyu, waiter, atbp.) nang biglang dumating si Arturo (Vic Sotto) na pumasok bilang bago niyang assistant.
Sa simula pa lang ay hindi na magkasundo ang dalawa. Sa inis at irita nila sa isa’t isa ay pa­nay ang asaran nila, utakan at gantihan, na kadalasan ay nauuwi sa kung anu-anong kapalpakan.
Lalong gumulo ang mundo nang dumating sa resort para magbakasyon ang magandang anak na dalaga ni Mac na si Boni (Riza Santos) na bumighani sa puso ni Arthur.
Sa ayaw at sa gusto ni Turo ay kailangan niyang suyuin at pakisamahan ang ama ng babaeng mahal niya.
***
Akala namin ay hindi kami matatawa sa Dobol Trobol, pero nagkamali kami dahil in all fairness ay panay ang tawa namin sa maraming eksena.
Kahit ‘yung mga hindi na ganu’n kabagong jokes at gags na feeling mo ay ilang ulit nang ginawa at ni-recycle na lang ay epektib pa rin pag sina Mang Dolphy at Bossing ang tumirada.
Very positive ang response ng fans sa ‘classic’ comedy antics ng da­lawang comic icons. Iba kasi talaga ang timing ng dalawa, hanep ang mga batuhan nila at ang lakas ng chemistry nila.
Sa edad na 80-anyos ay pinatunayan ni Mang Dolphy na wala pa ring kupas ang kanyang pagiging Comedy King. Isama pa ang tagapagmana ng trono niyang si Vic, kaya talagang laugh trip.
‘Katawa si Pidol pag bigla siyang bumabanat ng mga salitang ba­ding na tulad ng deadma, chorva-chorva, chenes-chenes at kung anik-
anik pa.
Cute din ‘yung mga eksenang nilagyan ng special effects dahil mas na-enhance ang mga sight gags at mas nagkaroon ng impact.
***
Ang lakas ng da­ting sa screen ng Brazilian beauty ng Eat Bulaga na si Daiana Menezes bilang sexy guest ng resort na pinagnanasaan ni Mac.
Ang ganda ng mukha, ang sexy at ang flawless ng hitad na Daiana nang mag-two-piece ito. Tinapik pa ni Mang Dolphy ang puwet nito habang pinapahiran ng lotion sa likod.
Palakpakan ang fans sa mabahong ‘ringtone’ ni Pidol sa kwelang eksena nila ni Daiana sa elevator. May timing sa comedy ang dalagang Braziliana at bukod sa gandara ay natural siyang nakakatawa.
Palaban din sa pa­seksihan ang Miss Earth-Canada na si Riza Santos. Vavawoom ang katawan ng Ingliserang da­laga sa wetlook scene nitong seksing-seksing umaahon sa pool.
Medyo masakit sa tenga ang English twang ni Riza at kapos na kapos pa ang akting niya, pero keri na rin dahil beauty naman siya. Ang father-daughter relationship nila ni Dolphy ang nagbigay ng drama sa istorya.
Mala-Pidol-Bossing din ang tandem ng co­mic sidekicks nilang sina Jose Manalo at Wally Ba­yola. Ang lakas ng da­ting ng mga kalokohan at kagaguhan ng dalawa kaya ang lakas din ng tawanan sa kanila nu’ng premiere night.
***
Ang real-life dyowa nina Dolphy at Vic na sina Zsa Zsa Padilla at Pia Guanio ay may surprise appearance sa bandang ending, na may action scenes pa si Pidol sa pagtatanggol sa da­lawang dilag.
May regalong kiss ang dalawang girls kay Mang Dolphy, na hindi siyempre nagpadaig si Bossing at naismakan pa nito sa labi ang nob­yang si Pia.
In fairness, kahit kababawan at katatawanan lang ay matino ang Dobol Trobol (Let’s Get Redi 2 Rambol) at may maayos na kuwentong sinusundan.
Mas nagustuhan pa namin ito kesa sa Enteng Kabisote series na dinirehe ni Tony Y. Reyes.
Isang patunay na ito ang pinakamatinong pelikulang dinirek ni Direk Tony ay ito ang first movie niya (at ni Vic) na Gra­ded B ng Cinema Eva­luation Board (hindi pa uso ang CEB nu’ng hu­ling gumawa ng pelikula si Mang Dolphy nu’ng 2002 na Home Alone Da Riber).

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites