<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, August 26, 2008

Iza gusto pang lalong sumeksi kaya ’di muna gagawa ng soap

NAGKAROON ng post-date birthday celebration si Iza Calzado para sa friends niyang entertainment press kamakailan na ginanap sa class na parlor cum restaurant ni Funny Serrano sa may Sct. Rallos, QC.

Nang araw ding ‘yun, pagkatapos ng ‘party’, ay naka-schedule siyang mag-tungo sa Philippine Children’s Hospital para pasayahin ang mga batang naka-confine doon sa pamama-gitan ng kanyang presence at dalang mga regalo.

Taun-taon ay ginagawa ito ni Iza as part of her ‘blessing sharings’ sa kapuwa lalung-lalo na sa mga kapuspalad na mga bata.

We appreciate Iza sa kanyang pagiging humble at ‘di pagkalimot sa mga taong kahit papaano ay nakatutulong sa kanyang career. Pero higit namin siyang hinahangaan dahil sa kanyang pagiging mapag-kawanggawa.

Dumalo rin sa maliit na party ang kanyang butihing father na si Lito Calzado na palaging nakasuporta sa anumang goal ng aktres na anak. Ang hindi lang yata buong pusong sinusuportahan ni Lito ay ang ‘maagang’ pag-aasawa ng anak. Kasi ba naman nang tanungin namin si Iza, who is in her middle 20s na, kung kailan nila balak magpakasal ng U.S. based boyfriend na si Jerry Garcia, medyo nag-make-face si Lito na tanda na ayaw pa niyang mag-asawa ang anak.

Pero, ganyan naman talaga ang mga amang labis na nagmamahal sa kanilang mga anak, lalaki man o babae.

Hangga’t maaari ay ayaw nilang malayo sa kanilang piling ang kanilang mga supling, as if naman forever nilang masusubaybayan ang kanilang mga anak.

Speaking of Lito Calzado, nagpaliwanag siya kung bakit hindi nila tinanggap ang isang soap na offer ng GMA-7.

“Naaawa na kasi ako sa anak ko. Lagare siya. At gusto rin niyang makapagpahinga muna pagkatapos ng Joaquin Bordado na isang taon ding nasa ere,” wika ni Lito.

Another thing, may dalawang pelikula kasing isu-shoot si Iza this year, ang Desperadas 2 at One True Love kung saan pareho niyang kasama si Marian Rivera.

Sabi naman ni Iza on this matter: “Gusto ko rin kasing magkaroon ng panahon sa physical fitness. I’m into mixed martial arts now para naman lalo akong sumikse.”

“Kung gagawa ako ng another soap, next year na ito. Pero, gagawa yata muna ako soon ng isang episode sa Obra ni Katrina Halili.”

Naalaala namin ang Hollywood movie niyang Echo kung kaya inurirat namin siya kung kailan ba ito isu-showing sa Amerika.

“Baka mauna pang i-showing sa Pilipinas ang Echo. Ang Viva Films ang magre-release ng Echo sa Pilipinas,” wika ni Iza.

By the way, isa ring environmentalist si Iza. Tulad ni Richard Gutierrez, member din siya ng Greenpeace Asia at she’s planning na makagawa ng project para rito.

Si Richard ay nagkaroon na ng TV project tungkol sa environment, ang Signos na ipinalabas sa GMA-7.

Ano ba ang wish ni Iza sa kanyang kaarawan?

Good health, more projects at peace and prosperity para sa lahat!

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites