<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, August 03, 2008

Joey de Leon naghamon!

MABIBIGAT ang mga salitang binitawan ni Joey de Leon sa Startalk kahapon tungkol sa isang entertainment editor na nagsulat na flop ang Eat Bulaga Grand Fiesta na ginanap sa Los Angeles Sports Arena sa Los Angeles, California, nu’ng July 19.

Bukod sa pagsasabing hindi totoo ang isinulat ni Dindo Balares, entertainment editor ng tabloid na Balita, hinamon din niya ito na pangalanan ang sinasabing GMA-7 executive na nagpatotoong flop ang EB show sa L.A. na umere sa Kapuso channel kahapon ng tanghali.

Pinagdiinan ni Joey na kabagang niya ang press, dahil kaisa siya ng mga ito. Pero nilinaw din niyang hindi niya kayang palagpasin ang isang artikulong gaya ng sinulat ni Dindo na tinawag niyang “panininungaling.”

Dagdag pa niya, isang linya sa item na ’yon ang labis niyang ikinairita. At ito’y ang pagsasabi nga ni Dindo na isang GMA-7 executive ang nagpatotoo na hindi tinao ang kanilang pagtatanghal.

Ang hamon ni Joey kay Dindo, pangalanan ang nasabing executive kapalit ang libreng round-trip ticket sa Amerika para sa dalawang tao, hotel accommodation sa mapipiling hotel ni Dindo at $5,000 pocket money.

Lahat ’yon, libre courtesy of Joey.

Maliban dito, hinamon din ng TV host-comedian ang GMA-7 sa pagsasabing oras na mabalitaan niyang nakalusot si Dindo sa kahit na anong presscon ng Kapuso network, magre-resign siya sa lahat ng programa niya sa Siyete.

Si Joey ay host ng Startalk, Mel & Joey, Takeshi’s Castle at Nuts Entertainment. Tape, Inc. naman ni Tony Tuviera ang produ ng daily noontime show na Eat Bulaga samantalang ang Wow Mali ay umeere sa ABC-5.

Nauna nang nagbitiw si Joey sa pagiging kolumnista ng Manila Bulletin, sister publication ng Balita, kung saan nababasa ang kolum niyang De Leon’s Den nu’ng araw na lumabas ang artikulo ni Dindo.

Pero, pinasalamatan pa rin niya ang lahat ng mga nakatrabaho roon, maliban daw kay Dindo.

Sinubukan naming kunan ng pahayag ang GMA-7, pero wala pa silang maibigay as of presstime. Tinawagan din namin si Dindo, pero tumanggi siyang magbigay ng comment sa ngayon.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites