<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, August 09, 2008

Katrina Halili, sawa na sa Kapuso?

Kaiinsekyuran nga si Katrina Halili sa sunud-sunod na trabahong ibinibigay ng GMA 7 at mga pelikulang gagawin sa GMA Films at OctoArts Films. Pero sabi nito, hard work ang puhunan niya at wala na nga siyang pahinga. Nag-promise itong magpapahinga kapag natapos na ang mga natanguang commitment.

Mag-aabot sa ere ang Magdusa Ka at ang Obra, ang bagong primetime drama series ng Channel 7 na siya ang featured for one month at magsisimula sa August 14 sa Taong Grasa episode sa direksyon ni Joel Lamangan.

Naka-schedule na rin ang taping ng Gagambino na sila pa rin ni Dennis Trillo ang magka-pareha. Sisimulan na rin nito ang shooting ng Sundo ng GMA Films at One Night Only ng OctoArts Films.

Ang sarap daw maging busy, lalo’t magagandang project ang ibinibigay sa kanya, kaya wala siyang karapatang magreklamo. Excited nga ito sa Obra dahil iba’t ibang role ang gagampanan at iba’t ibang directors ang makaka-trabaho. Natuwa ito’t puro papuri sa kanya ang narinig mula kina direk Joel, Bibeth Orteza, Jun Lana at Maryo J. delos Reyes.

Sinubukang intrigahin si Katrina na mas bongga ang career kay Marian Rivera dahil marami siyang ginagawa? Smile at “nagkataon lang” ang sagot nito at sinabing hindi muna siya magkokontrabida kahit kaninong artista ng Channel 7.

Dream leading man ni Katrina si Robin Padilla at matutupad ito sa pelikulang Sundo. Dahil halos lahat ng Kapuso leading men ay nakatrabaho na niya, tinanong siya kung sinong stars ng ABS-CBN ang gugustuhin niyang makapareha?

“Gusto lang naman. Sina Aga Muhlach, John Lloyd Cruz at Piolo Pascual sana ang gusto kong maka-trabaho,” sagot ni Katrina.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites