<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, August 25, 2008

Marian, Dingdong super-daring sa kanilang free concert

KARARATING lang nina Dingdong at Marian mula sa ilang araw na trabaho sa Amerika.

Back-to-work na agad ang TV’s most loved and hottest loveteam. Abala na sila sa rehearsals para sa kanilang Let’s Celebrate: The Dingdong-Marian Birthday Blow-out sa Ara-neta Coliseum sa Wednesday ng gabi, Aug. 27.

Tiniyak ni Dingdong na magi-enjoy ang mga fans dahil, aniya, may mga ga-gawin sila ni Marian na hindi pa nakikita sa kanila as love team.

“May mga rehearsals kaming naka-schedule bukas. Gusto namin talagang pagandahin nang husto. Lahat ng numbers na hindi namin usually ginagawa, ibubusisi namin sa darating na araw. Very excited na kami,” sambit niya sa isang TV interview.

Will the fan expect a more daring Dingdong , or a sexier Marian?

“Bihira na kaming mag-perform sa ganu’ng klaseng paraan, since, nakikita na kaming umaarte sa TV. So this time parang SOP ito na pinahaba. Mini-concert ang da-ting,” kuwento ni Dong.

Dagdag niya: “This time si Marian ang magiging daring. Marami siyang ga-gawing numbers na never pa niyang ginawa before. Ako naman, halos nagawa ko na dati. Makasasayaw ulit ako.”

Sinagot na rin ng aktor ang intriga tungkol sa pagtatapat ng free dance show nila sa showing ng movie nina KC Concepcion at Richard Gutierrez na For the First Time ng Star Cinema.

“Tama na ang intriga, magtulungan na lang,” maikling paliwanag niya.

“By hook or by crook, pa-nonoorin namin ang movie nina KC at Chard. Yayayain namin si Direk Joyce (Bernal, direktor nila sa Dyesebel). Kung hindi siya puwede, ka-mi na lang ni Marian,” lahad pa ni Dingdong.

[via]

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites