<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, August 12, 2008

Pinoy Idol judges, maling-mali

Hindi tumama ang choices ng Pinoy Idol judges na sina Ogie Alcasid, Jolina Magdangal at Wyngard Tracy na sina Kid Camaya, Ram Chaves at Jayann Bautista ang papasok sa Top Three ng contest dahil sa final tally ng text votes, out si Kid at sila ni Daryl Celis ang na-eliminate last Sunday.

Sa halip, ang hindi choice ng judges na si Gretchen Espina ang napasama sa Top Three at lalaban kina Ram at Jayann sa August 16, sa final performance night at may chance tanghaling 1st Pinoy Idol sa ultimate finale sa Aug. 17.

Overwhelmed si Gretchen sa pagkakasama sa Top Three, and at the same time, nalulungkot sa inisip ng tao na kaya lang siya napasama dahil mayaman ang kanyang pamilya.

Na-challenge ito, kaya lalaban siya kina Ram at Jayann sa finale. Si Ram ang nakikita niyang mahigpit na makalalaban.

Isang smack from his wife, ang statue ni St. Jude at Sacred Heart of Jesus at tita niyang six hours nagdarasal tuwing performance night ang lucky charms ni Ram para mapasama sa Top Three.

Si Jayann ang mahigpit niyang makakalaban dahil beterana na, pero lalaban pa rin siya.

Si Ram naman ang nakikita ni Jayann na makakalaban sa finale dahil magaling at iba ang genre. Triple ang effort niya sa paghahanda at total performer ang masasaksihan ng manonood sa finals. Dream come true sa kanya ang mapasali sa Top Three at itutuloy na niya ito para makuha ang 1st Pinoy Idol title.

Gagawin sa Halls 1 to 4 ng SMX Convention Center ng Mall of Asia ang final performance at result night. Guests sina Regine Velasquez, UP Concert Chorus, Hajji Alejandro, Verni Varga, Pupil, Cueshe, Itchyworms, Freestyle, South Border, Luke Mejares, Duncan Ramos, Callalily, Cueshe, Jett Pangan, at Basil Valdez.

Makakakuha ng tiket sa GMA Network, bukas, 1-5 p.m.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites