<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, August 05, 2008

Richard Gutierrez at home sa Dos

Kahit sabihin pang Kapuso star si Richard Gutierrez, hindi namin naramdaman ang pagkakaiba o may something strange nu’ng presscon ng For The First Time (ipapalabas na sa Agosto 27).

Well, at home kasi si Richard kahit sabihin pang nasa bakuran siya ng ABS-CBN at kasama niya si KC Concepcion na precious star din ng network.

“ I feel so honored that I am here now in front of everyone, at nandirito ako ngayon sa ABS-CBN.

“I am proud na makasama sa pelikulang For The First Time, and this is also KC’s first. I’m so proud to be a part of this movie,” sabi pa ni Richard, na binigyan din ng parehong treatment ng Dos gaya ng ibinibigay sa kanilang mga kilalang artista.

Aminado rin si Richard na malaking factor din sa samahan nila ni KC ay ang pagiging aprubado ng mga magulang nila sa tandem nila. Sabi pa ng aktor, na-tutuwa siya dahil suportado ng pamilya niya at maging ng mga magulang ni KC ang tambalan nila.

“ It is a great factor na hindi na namin sila pinuproblema dahil suportado nila kami. Pero sa bandang huli, kami pa rin ni KC ang magde-desisyon kung ano ang gusto naming gawin,” maikling paliwanag pa ni Chard.

Napansin din namin, panay ang akbay at super titig ni Richard kay KC. Tila guwardiyado talagang dalaga kay Chard, huh.

Nakakatuwang pagmasdan ang dalawa, kahit ‘di nila sabihin, talagang love is in the air na. May chika pa ngang mag-on na sina Richard at KC, eh.

Hmmn, hindi naman kami magtataka kung mauwi man sa isang matamis na relasyon ang pagti-tinginan ng dalawang ito, noh.

Ayon pa kay Richard, 9.8 daw kung i-rate niya si KC according to her character at kung paano na ang estado ng kanilang special friendship ngayon.

O di ba?

Bongga, may rating talaga.

Well, abangan na lang ang For The First Time, sa August 27 na.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites