<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, August 30, 2008

Richard Gutierrez , mahal at pinagmamalasakitan ng GMA Network

“Humihingi ako ng paumanhin kay Annabelle (Rama). Pero, hindi dahil may nagawa akong mali sa kanila. Ang inihihingi ko ng sorry, because maybe they are misinformed they feel bad. I feel sorry na nagalit sila. Pero, hindi ako naga-apologize dahil sa may nagawa ako laban sa kanila. Hindi ko tinatanggap ‘yun,” maririing wika ni SVP for TV Entertainment ng GMA Network na si Wilma Galvante.

Nakausap ng entertainment press si Ms. Galvante nang magpatawag ng press conference ang Kapuso upang ibalita ang kanilang mga bagong programang bubuksan.

Pero, ang napagtuunan nang husto ng tanong ng member of the press ay ang reaction ni Ms. Galvante sa isang interview kay Annabelle Rama na diumano’y ang lady executive ng GMA-7 ang may pakana ng lahat tungkol sa pagsabay ng Let’s Celebrate: The Dingdong-Marian Birthday Blow-out sa opening ng pelikula nina Richard at KC na For the First Time.

“Personally, we do not have any quarrel ni Annabelle. Regarding her talents, lalung-lalo na sa anak ni-yang sina Richard at Raymond, we do not violate any contract with them. Up to 2010 pa ang kontrata ni Richard sa GMA. Pero, matindi ang confidentiality clause ng kontrata kaya hindi ko puwedeng i-discuss. Ang pinagsimulan lang yata ng sama ng loob niya ay itong pag-kakatapat ng Let’s Celebrate sa opening ng For the First Time.

“Pero balita ko, ang laki ng kinita ng pelikula nina Richard at KC sa opening nito kaya obvious na hindi naapektuhan ang pelikula nila.Siguro naman ay malamig na ang ulo ngayon si Annabelle.”

Hindi pa raw nagkikita ngayon sina Ms. Wilma at Annabelle kaya hindi pa alam ng una kung lumamig na nga ang ulo ng huli. Pero sa panig daw ni Ms. Galvante, hindi kailanman si-ya naapektuhan ng mga pinagsasabi ni Annabelle la-ban sa kanya dahil noon pa raw niya kilala ang ugali ng mother ng GMA-7 talents na sina Richard at Raymond.

“At ayokong patulan ang mga ganyan. It’s not very productive,” aniya.

Kung ang Let’s Celebrate: The Dingdong-Marian Birthday Blow-out ang dahilan talaga ng sama ng loob ni Annabelle. Hindi naman daw niya kasalanan na maitapat ito sa opening ng For the First Time.

“The schedule was not my personal choice. Pinagmiti-ngan ‘yun. Fully booked na kasi talaga ang Araneta at the only date that Araneta gave us was August 27. I do not want to spend negative thoughts with what Annabelle Feels.

“Annabelle as a person has a good side. ‘Yun na lang ang titingnan ko. It’s not in our nature na mang-away din,” say pa ni Ms. Galvan-te.

Sa mga pinagsasabi ngayon ni Annabelle Rama against her at sa GMA-7, makaaasa raw ang pamil-ya-Gutierrez at mga fans ni Richard na walang gantihang magaganap.

“Mahal na mahal ng GMA si Richard at pinagmamalasakitan namin ang kapakanan niya,” wika pa ni Ms. Wilma.

Sa tingin namin, nag-over react lang talaga si Annabelle Rama.

Kasi naman papa-anong maaapektuhan ng isang gabing show ang pelikulang one week or more then a week na ipapalabas sa mga sinehan?

Napakaganda ng kinita ng For the First Time sa opening day nito. At hanggang ngayon, pinipilahan pa sa box-office ang first team-up nina KC at Ri-chard.

Maaaring ang sama ng loob, sa kung anong dahi-lan, ni Annabelle kay Ms. Wilma ay naipon lang, at nagkaroon lang ng dahilan ngayon ang over protective mother nina Ruffa, Ri-chard at Raymond para ibuga ang init ng ulo.

Dasal namin ang pagkakaayos ng dalawa sa lalong madaling panahon bago tuluyang maapektuhan ang relasyon ng Gutierrez family at GMA Network.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites