<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, August 07, 2008

Richard-KC, suportado ng fans ni Angel

PUNUMPUNO ng intriga ngayon ang showbiz career ni Richard Gutier­rez, pero walang panahon ang primetime king na sagutin ang mga ‘yon.
Kulang ang oras niya para matulog dahil sa kaliwa’t kanang trabaho.
Bukod sa tapings ng Codename: Asero nila ni Heart Evangelista ay tinatapos ni Richard ang first movie team-up nila ni KC Concepcion under Star Cinema, ang For The First Time.
Kaliwa’t kanan ang endorsement deals ni Richard. Kahapon ay madaling-araw na natapos ang shooting niya para sa isa sa limang bagong commercials niya.
Sa Agosto 22 ay may ilu-launch na commercial si Richard, puwera pa ‘yong apat na commercials niya na sa Setyembre ang launching.
Isu-shoot pa lang ni Richard ‘yung
apat na commercials at medyo nahihilo pa ang nanay niyang si Annabelle Rama kung anong araw ang ibibigay sa
apat na commercial shoots ng binata.
“Syempre, masaya si Richard. Biruin mo, grabe kung intrigahin siya, pero ang kapalit nga no’n eh limang commercials.
“Wala na siyang panahon para sagutin ang mga intriga sa kanya. Wala rin siyang balak patulan pa ang mga ‘yon.
“Ako ang nagre-react para kay Richard, pero na-realize ko rin na imbes intindihin ang mga pang-iintriga sa anak ko, magiging busy na lang ako sa pag-e-entertain ng iba pang offers for Ri­chard at sa iba ko pang talents,” sey ni Bisaya.
Aba, mukhang busy pati si Bisaya dahil pati ‘yung pang-iintriga sa kanya sa isang tabloid kahapon na involved si Dra. Vicki Belo ay hindi pinatulan ng nanay ni Richard, huh!
“Hayaan mo na sila. Kung gusto nilang gumawa ng intriga, okey lang. Si Dra. Belo na lang ang dapat mag-explain tungkol doon. Busy ako, ‘Dong!” pahayag pa ng nanay ni Richard.
Imbes na patulan niya ang ilang intriga involving other stars, tutulong na lang daw siya sa promo ng For The First Time.
Mas interesado si Bisaya sa pagsagot sa mga tanong kung sina Richard at KC na ba kesa mag-entertain ng mga intriga.
“Naisip ko rin, na­bibigyan ko ng free publicity ang iba sa kapapatol ko, kaya mas gusto ko na lang pag-usapan ‘yung For The First Time nina Richard at KC.
“Mas ine-entertain ko na ‘yung mga tanong sa akin kung sina Richard at KC na ba ngayon.
“Pero, wala rin talaga akong alam. Walang sinasabi si Richard. Minsan, nilalambing ko ang anak ko at tinatanong ko siya tungkol sa kanila ni KC, pero hindi ako sinasagot. Alam ni Richard na pati akong nanay niya eh kinikilig sa kanila ni KC.
“Bagay naman kasi talaga sila,” pahayag pa ni Bisaya.
Going back to Ri­chard’s very busy sche­dule, aminado si Bisaya na naaawa siya sa anak dahil halos sa sasakyan na lang ito natutulog.
Madalas din daw na during tapings o shootings breaks ay saka lang ito ‘nagnanakaw’ ng konting tulog.
“Napakabait na bata ni Richard, hindi siya nagrereklamo. Trabaho lang siya nang trabaho at thankful daw siya dahil sa magagandang projects na dumarating sa kanya.
“Naaawa rin ako kay Richard dahil halos wala na siyang tulog, pero kaya naman daw niya.
“Ako naman, imbes na intindihin ko pa ‘yung mga naninira sa anak ko, inaasikaso ko na lang siya. Palagi ko siyang tsine-check sa mga ta­ping at shootings niya. Palagi ko siyang sina­sabihan na mag-vitamins.
“Kapag nakikita ko ‘yung masyadong pagi­ging dedicated ni Richard sa trabaho, nawawala ‘yung atensyon ko sa mga intriga hanggang sa nakakalimutan ko na,” dagdag pa ni Bisaya.
Sa Agosto 27 na ang showing ng For The First Time.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites