<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, August 29, 2008

Wilma Galvante: GMA-7, ’di takot kay Annabelle Rama

PINALIPAS muna ni Wilma Galvante, SVP for TV Entertainment ng GMA Network ang Let’s Celebrate! Birthday Blowout nina Dingdong Dantes at Marian Rivera bago ilatag sa press ang saloobin niya sa mga nababalita at nasusulat sa kanila ni Annabelle Rama. Bago sagutin ang mga tanong ng press, ipinaabot muna nito ang congratulations sa box-office success ng pelikulang For the First Time nina Richard Gutierrez at KC Concepcion at masaya ring ibinalitang successful ang birthday special nina Dingdong at Marian.

More of a Q&A ang pagharap ni Wilma sa press, sinagot nito ang mga tanong at nagpapaliwanag kung kinakailangan.

Ano ang mangyayari sa future relationship ng GMA-7 kay Annabelle, being a talent manager at supplier ng talent?

“Personally, we do not have any quarrel with Annabelle. Wala akong quarrel with her and we have not violated any contract with her. We’re always careful in implementing the contract. Wala talagang away.

“Ang pinagmulan, as far as the issue is concerned, ay ang date ng birthday special at opening ng movie. Hindi namin hawak ang booking and I was told, fully booked ang August 29 and 30.

“If you have two major stars who will celebrate their birthdays in the same month, kung producer ka, this mattered for a special. This is business, puwede mong i-hype, puwedeng i-celebrate. At ’pag special, culminating event ’yun.”

Pinaliwanag ni Wilma na bukod sa wala na silang makuhang ibang date, naging busy sina Marian at Dingdong at ang ending, ang only date available ay August 27 nga.

“Walang masamang intensyon, walang malisya on our mind nang gawin ‘yun. It was approved by the programming committee, the body na gumagawa ng important decision. Birthday ng dalawa at ito lang ang available date sa Araneta at ’pag special, dapat sa Araneta, walang ibang venue.

“Matapos ang lahat, nabalitaan ko, maganda ang performance ng movie at maganda rin ang nangyari sa special. Makikita mo, ’pag good project, ipa-patronize ng tao. Ang show ay one-night lang and for the fans, and we have a very good special to air on Sunday.”

Ayon pa kay Wilma, hindi nila gusto kung nagkaroon man ng misinformation o bugso ng damdamin. Wala silang control doon at ang kontrolado lang nila’y ang kanilang reaksyon.

“Our reaction is to keep quiet. It is not in our nature para mang-away. We do not do that. Conflict is not our nature. Hindi namin sasadyain ang manira ng iba… most especially mga artistang inaalagaan natin.”

Hindi pa nagkikita at nagkakausap sina Wilma at Annabelle mula nang magka-isyu sila. The last time they met ay sa party ng isa nilang common friend at nagbeso-beso sila, pero sinabi na raw ni Annabelle na galit ito sa kanya at in-explain naman niya ang side ng network.

Umokey daw si Annabelle, pero kinabukasan, galit na uli.

Tinanong si Wilma kung disappointed sa naging reaction ni Annabelle?

“Kapag kilala mo ang isang tao, pati reaction mo, mapag-aaralan mo na. Will you be scared? You know how will you react and I’m okay”.

Any comment sa naging reaction ni Sharon Cuneta sa TV show nito?

“Tingin ko, nadala rin lang siya ng damdamin niya. Sana maunawaan niyang there was no malice intended… wala talaga. As I said, I can’t control how other people will react.”

Naiintindihan din ni Wilma kung bakit siya ang inaway ni Annabelle, dahil head siya ng entertainment group ng network, pero inire-report lang daw sa kanya ang lahat.

“I am responsible and I will stand up and I will be the one to explain. I am responsible for that,” wika nito.

Sa mga nagsasabing hindi puno ang Big Dome, ang sabi ni Wilma, masaya sila sa volume ng tao na pumasok, kung 8,000 man ’yun, istrikto raw ang Araneta at may policiy na no ticket, no entry.

May two bus load of fans from Laguna na hindi nakapasok dahil walang tiket.

“Naghigpit din ang security at double security sa gabi ng special dahil sa rehearsal, may nakitang lalaking naka-fatigue na may dalang baril. Pumasok siya sa CR, naiwan ang baril at tamang may staff na pumasok sa CR, kinatok siya para kunin ang baril. Ang sabi, security daw siya at biglang lumabas. Nang sinundan, hindi na nakita. Ang Araneta ang tumawag at nagdagdag ng security.”

Magtatapos sa 2010 ang kontrata ni Richard sa GMA Network, pero may confidentiality clause ’yun at ayaw i-touch ni Wilma.

Inalam ng press kung totoong sinabi nito sa isang interview na handa ang network halimbawang inalis ni Annabelle si Richard sa Channel 7?

“Oo, sinabi kong prepared kami. I-a-address mo ’yun ’pag may ginawa sila, you have to be prepared what to do next. Pero, ’di ibig sabihin, handa kaming mawala siya, that’s why we have a contract. But it’s not going to be my sole decision.”

“Kung iniisip ninyo ligalig kami, wala. Kung wala kang masamang intention, kahit anong tirades ang dumating sa ’yo, ’di ka maliligalig. Hindi mo naman mako-control ’yun. Ang masasabi ko rin sa mga nangyari, kung sumama ang loob natin, humihingi ako ng paumanhin. Hindi ko rin gusto na may negative reaction. Kundi naintindihan, they were misinformed for their being negatively affected.”

Nilinaw ng press kung kay Annabelle ba nagso-sorry si Wilma sa paghingi niya ng paumanhin.

“I am sorry not because I’m at fault. I feel sorry on how they react to it. I feel sorry na nagalit sila, nagkaroon ng bugso ng damdamin. Pero, inuulit ko, there’s no malice intended.”

Sinagot na rin ni Wilma ang sinasabing takot siya o ang network kay Annabelle.

Sabi nito: “Hindi takot ang network kay Annabelle Rama. We have a professional relationship that we try to implement as best as we could.”

Takot ba ang GMA 7 na mawala si Richard?

“Hindi ko ’yan sasagutin. Mahal ng network si Richard and we have no problem with him.”

Nabanggit din ni Wilma na ang general viewing public ang boss, as far as Channel 7 is concerned. Wala raw pakialam ang viewers sa away, ang gusto lang nila, ma-entertain at may good show.

“At the end of the day, kung pangit ang show mo, ’di ka panonoorin. Mabuti na lang, magaganda ang show ng network at magagaling ang talents,” pagmamalaki niya.

Sa comment ng press na ang rivalry ngayon is between Richard and Dingdong, ang sagot ni Wilma, “we are very happy and very proud na dalawa sa pinakamagagaling na talents ay nandito sa GMA.”

Ang hindi lang nasagot ni Wilma ay ang tanong tungkol sa movie na gagawin nina Richard at KC sa GMA Films, pati na ang movie contract ni Sharon sa movie company.

Si Annette Gozon-Abrogar daw ang makakasagot nu’n.

Habang kaharap ng press si Wilma, guests naman sa Sis sina KC at Richard at sinalubong at inalalayan ang dalawa ni Noel Ferrer ng GMA Films.

Patunay lang daw ’yun na welcome ang network sa dalawa at suportado nila ang kanilang pelikula.

[via]

Labels:

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ay naku GMA hindi porke isa sa sikat niyong loveteam ay sina Marian at Dingdong ay hindi niyo na alagaan yong ibang mga artista nyo...bka gsto nyong mangyari lahat ng programa sa 7 ay puro mukha nina Dingdong at Marian nalang..hehehe!deserving din naman si Richard na bigyan nyo ng support at respect kasi dami na rin syang naakyat na pera sa inyo...si Dingdong ba kung wala si Marian ay sikat parin ba?may nagklik na bang pelikula ni Dingdong na kasama ibang babae?not unlike kay Richard kahit sinong i partner kaya niyang humatak ng mga tao..kaya mahalin nyo mga artista nyo wag naman favoritism...

9:45 AM  
Anonymous Anonymous said...

korek ka dyan! kung di dahil kay Marian Rivera hindi sisikat si Dingdong Dantes ng ganyan..its obvious naman nung hindi pa nya partner si marian..subukan ng GMA na hindi ipartner si MArian sa kanya cguradong hihina karer nyan..pasalamt na lang cya at may marian sya..

3:35 PM  
Anonymous Anonymous said...

kung napanood nyo ang movie ni KC at Richard,
pag pinag-aralan mo ng husto parang lugi si Richard. umikot ang istorya sa relasyon ni KC kay Philip. dekorasyon lang si richard. mukhang tama nga ang GMA na mag low profile dito kc argabyado si Richard. Kaya lang iba yata dating sa manager nya...sayang tsk tsk tsk...

9:16 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites