<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, August 19, 2008

Yasmien Kurdi lumaban ng halikan kay JC de Vera

MAKAKA-RELATE ang mga kabataan (pati na mga hindi na kabataan) lalo na ang sandamakmak na nagtatrabaho sa call centers sa pelikulang Loving You ng Studiomax.
Modernong kuwento ng iba’t ibang karakter na namamasukan bilang call center agents ang Loving You na film debut ng TV director mula sa Kapa­milya network na si Don Cuaresma.

Magkababata, mag-best friend at mag-sweetheart nu’ng high school sina Yasmien Kurdi at JC de Vera. May lihim na pag-ibig pa rin si Yasmien kay JC kaya hindi siya nagbo-boyfriend. Hurt na hurt siya nang magkaroon si JC ng bagong girlfriend (Andrea Torres).

Totomboy-tomboy kumilos si Kris Bernal na pinalaki ng dalawang tibo (nanay niyang si Pinky Amador at lesbian partner nitong si Lovely Rivero).

Nagkakilala sila sa trabaho at nagkaibigan ni Aljur Abrenica na anak-anakan naman ng isang ba­ding (John ‘Sweet’ Lapus).

Si Ehra Madrigal ay isang model-wannabe na niloko ng kanyang live-in boyfriend (Eri Neeman) at nakatagpo ng right guy kay John Prats, ang binatang taxi driver na regular na naghahatid-sundo sa kanya.

Propesora at adverti­sing executive si Jean Garcia na nainlab kay Polo Ravales na mas bata sa kanya. Magkukuwarenta na si Jean kaya despe­rada na siyang mabuntis at magkaanak. Madalas mapagkamalang anak o pamangkin niya ang kanyang bagets boyfriend.
Hindi lang mga pa-cute o pakilig ang alam gawin ng mga bida ng Loving You dahil mas showy sila sa kanilang nararamdaman. Ang hilig nilang maghalikan at kada minuto yata ay may nagli-lips-to-lips.

Ang lakas ng hiyawan ng fans nu’ng premiere night nang mag-kiss sina Yasmien at JC. Ang guwapu-guwapo ni JC sa screen at very heartthrob ang dating.

Cute ang UST (o unresolved sexual tension) sa pagitan nila ng bespren niyang si Yas.
Nu’ng una ay parang nagpapa-girl pa si Yasmien at ayaw ‘lumaban’ sa mga halik ni JC, pero sa bandang ending ay todo-bigay na rin ito at ang tagal nang L-to-L nila ni JC, huh!

Ayaw patalbog sa pagtili ang Kris-Aljur fans, na panay rin ang tukaan sa pelikula. In fairness ay natural umarte ang dalawang ba­gets at okey ang che­mistry nila. May ‘K’ maghubad ang sek­sing si Aljur.

Agaw eksena ang mga magulang nilang tomboy at bading, lalo na ang baklitang nanay-nanayan ni Aljur na si Sweet na applauded ang mga eksena.

Hindi lang halikan kundi panay ang chorvahan nina Jean at Polo. Sa lahat ng karakter ay silang dalawa ang halatang may malisya ang mga lambingan at laplapan.

Sina Ehra at John ang pinaka-wholesome dahil may sariling drama si John sa tatay niyang si Tonton Gutierrez na iniwan ang pamilya nila.

Simple at walang pretensyon ang kuwento ng pelikula. Maayos na nai-distribute ang mga eksena at kahit marami sila sa cast ay nabigyan ng sapat na exposure at moment ang bawat isa.

Bukas ang opening day ng Loving You sa mga sinehan.

[via]

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites