<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, September 07, 2008

JC de Vera updates

Nagpalakpakan ang press nang mapanood ang trailer ng Pretty Boy episode ng Obra ni JC de Vera dahil sa macho dancing scene. Sa presscon pa lang, hit na ang nasabing episode sa direksyon ni Jun Lana dahil first time gumanap ng gano’ng role ang young actor, first time nitong gumiling-giling na naka-topless. Pati ang manager nitong si Annabelle Rama ay tuwang-tuwa sa kinalabasan ng episode at sa reaction ng press at ’di napigilang tawagin ang talent na “the next Richard Gutierrez.” Sabi ni JC, matagal na diskusyunan nila ng manager bago ito pumayag na gawin niya ang role ng isang macho dancer at baka makasira sa wholesome image nito.

Kumuha ng walong macho dancers ang staff ng Obra na nagturo kay JC ng tamang sayaw at ginaya lang ng actor ang dance steps nila. May acting coach din siya sa taping para mabantayan ang kanyang mga eksena.

Pagkatapos kunan ang macho dancing scene niya, kinabahan at nanginig pa si JC at ang next niyang hihintayin ay ang feedback ’pag ipinalabas na ang nasabing episode sa September 11. Sa presscon pa lang, winner na sa press si JC at nangakong magti-text brigade sila para panoorin ang Pretty Boy with Chanda Romero at Gina Alajar.

Samantala, tinanong si JC kundi ba naapektuhan ang career niya sa isyu ng manager at ni Wilma Galvante, SVP for TV Entertainment ng GMA 7.

“I hope not,” ang sagot nito.

Paano kung i-pull out siya ni Annabelle sa Channel 7 after his 2009 contract?

“Kaya lahat ng project na binibigay sa akin ginagalingan ko. ’Pag pinul-out ako ni Tita Annabelle dahil sa mga nangyari, sana salbahin ako ng network. Sobrang respeto ko sa manager ko, never akong kumontra sa kanya at alam kong may sarili siyang plano for me at irerespeto ko ang desisyon niya. Sana lang, ’di na dumating sa pagpu-pull out dahil mahirap lumipat ng gano’n na lang.”

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

svi ko na nga ba c jc ung nsa commercial ng obra eh naku bkit c tita annabel pa manyger mo mlamang mlipat ka niyan s kapamilya nku pg lumipat c jc lilipat na din ako

7:23 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites