<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, September 05, 2008

Ogie Alcasid, nagdadalamhati

TRUE to what Ogie Alcasid promised, star-studded nga ang kanyang 20/20 concert sa September 27 sa Araneta Coliseum in celebration of his 20th showbiz anniversary.

Sandamakmak ngang bigating artista ang guests niya sa nasabing anniversary show.

Siyempre, nangunguna sa listahan ang kanyang ladylove na si Regine Velasquez, ang mga kaibigang sina Gary Valenciano, Piolo Pascual, Judy Ann Santos, kasamahan sa trabaho at Kapusong Janno Gibbs, Jaya, Michael V., Rufa Mae Quinto, Marian Rivera, Kyla at Lovi Poe, to name a few.

Sa nasabing concert of a lifetime, aawitin ni Ogie ang lahat ng hit songs sa loob ng 20 years — mga awiting napalapit na sa ating puso at naging bahagi ng ating buhay.

Tulad din ng nauna nang inanunsyo ni Ogie, darating sa bansa ang dalawang anak na sina Leila at Sarah with their mom, Michelle Van Eimeren.

Baka raw a week before the concert pa dumating ang mag-iina dahil may pasok pa ang mga bata sa Australia.

Ayaw kumpirmahin ni Ogie ang date, dahil unang-una, gusto raw niyang maging tahimik lang ang lahat.

Bawal daw ang interview sa mga bata at maging kay Michelle, dahil mga pribadong tao naman daw ang mga ito at hindi naman artista.

First time na pupunta sa Pilipinas ang kanyang mga anak mula nang manatili na ang mga ito sa Australia at unang pagkakataon ding mapapanood siya ng live sa concert, kaya very memorable ito para sa singer.

Baka raw three days lang mag-stay ang mag-iina rito at kung saan daw gustong pumunta ng mga bata, pagbibigyan niya.

“Kung ano ang trip ng mga bata, eh, ’di sige. Kung gusto nilang mag-Boracay, o kung saan man, sige,” say ni Ogie sa presscon kahapon sa Chowking, isa sa kanyang sponsors.

Medyo malungkot nga raw siya ngayon dahil umalis si Regine patungong Los Angeles noong Miyerkules ng gabi.

Ang ginamit niyang term, siya ay ‘nagdadalamhati’ ngayon.

Biniro namin si Ogie na hindi halata, dahil panay ang pagdyu-joke niya, pero say niya, inaaliw lang niya ang sarili.

“Nag-text nga ako kagabi. Kasi nu’ng hinatid ko siya sa airport, hindi ko alam kung bakit ganu’n. ’Pag ’yung mahal mo, umalis, parang hindi ka buo. Mararamdaman mo, hindi buo.

“So, tinext niya ako, kasi sabi ko sa kanya, ‘Hon, hirap ako, hindi ako buo.’ ’Yung ramdam mo talaga. Kulang ako. Balisa ka. Kaya kanina, tumawag siya sa akin, nasa L.A. na raw siya. Nag-text siya pala muna. Kakalanding lang daw niya. Ganu’n.

“Tapos, eto ’yung tinext ko sa kanya,” sabay-basa sa kanyang cellphone, “‘Mahal, hirap kapag wala ka.’ Tapos heto pa, ‘there’s a hole in my heart.’ Ganyan ako ka-baduy, eh.”

Ayon kay Ogie, mahilig talaga siyang mag-text ng poetic messages kay Regine. Kahit minsan, nagte-taping lang ito, papadalhan niya ng mga ganu’ng mensahe at naa-appreciate naman daw ito ng kanyang “mahal.”

Three weeks pa sa Tate si Regine, kaya matagal pa siyang “magdadalamhati.”

“Inaaliw ko lang ang sarili ko, but I feel like I’m dying,” pahayag pa ni Ogie, na for sure, kung naririnig lang ni Regine, tiyak na mata-touch siya.

After three years, grabe pa rin daw ang intensity ng pagmamahal niya for the Asia ’s Songbird.

“Sobra. Kasi alam mo kung bakit, napaka-humble ng puso niya. Hindi siya maramot.”

Anyway, ang 20/20 ay ididirehe ni Rowell Santiago at ang musical director naman ay si Gerard Salonga.

In a span of two decades, Ogie has scored five gold, three platinum, three double platinum records, done eight TV shows and appeared in 30 movies.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites