<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, September 11, 2008

Paolo Bediones walang tampo sa GMA-7

HINDI naman pala totoong nagtatampo si Paolo Bediones sa GMA Network dahil hindi binigyan ng engrandeng presscon ang bagong assignment na Survivor Philippines, na magsisimula nang umere sa Lunes ng gabi, September 15.

Napabalita kasing nag-e-emote ang TV host dahil malapit na nga ang airing ng local version ng sikat na reality TV show, hindi man lang siya ipina-i-interview sa writers.

“Wala sa vocabulary ko ang salitang tampo,” paglilinaw ni Paolo sa solo interview na ibinigay ng GMA Corporate Communication kahapon ng tanghali.

“Sabi ko nga, ’di ba, ’yun ang isa sa mga na-realize ko while doing Survivor Philippines, sobrang simple ng buhay, kaya wala nang lugar ang mga tampu-tampo.”

Ani Paolo, grabeng hirap ang pinagdaanan, hindi lang ng 18 castaways, kundi maging siya at ang buong 120 production staff na tumigil ng 39 days sa Koh Tarutao Island ng Thailand.

Hindi raw kayang pantayan ng kahit na ano o halaga ang naging experience nila sa isla na minsan nang ginamit ng Thailanders bilang kulungan ng mga criminal.

“Devil’s Island” nga raw kung tawagin ang tinuluyan nila, kung saan puwersahan nilang hinarap ang iba’t ibang elemento sa lupa, pati na sa ilalim ng dagat.

And’yang araw-araw silang nakisalamuha sa nagsusulputang alakdan, ahas, bayawak, baboy damo at tarantula.

Limitado rin ang kanilang pagkain sa araw-araw. Kung ang 18 castaways ay sinubok sa paghahanap ng sariling makakain at matutuluyan, sina Paolo at ang production team naman, pinagkasya ang three small meals a day.

Talaga raw sagad-sagaran ang pagod, puyat at hirap ng katawan na dinanas nila during the taping. Pero awa ng Diyos, nakaraos sila nang walang gaanong nagkasakit o nadisgrasya.

Inisa-isa pa ni Paolo ang mga “na-survive” sa isla ng Koh Tarutao.

“Luckily, I didn’t get sick although at times I felt weak dahil sa sobrang tight ng schedule namin at tindi ng physical condition sa isla,” kuwento ni Paolo.

Kadalasan, dump truck ang sinasakyan nila to move around, walang bubong, kaya basang-basa sila ’pag umulan o bumagyo. Mahahaba rin ang lakarang sinuong ng Survivor Philippines team hitsura nang may buhat-buhat silang kagamitan, gaya ng tent o audio mixer.

Wala pa rito ang tinamong kagat ng mga insekto, ha.

Bukod sa pagtulong magsuheto sa mga pasaway na castaway, mabigat din daw ang naging tungkulin ni Paolo bilang host ng reality show, dahil pati siya, sumubok ng ilang challenges para lang masigurong ligtas ito sa mga kalahok.

Anyway, kasama rin sa bonding nila ang Bible study tuwing Linggo. Importanteng bahagi raw ito ng pag-i-stay nila sa isla, dahil “it brought us closer and we became more open to one another.”

Na-impress naman ang writers sa ipinakitang teaser ng first episode after the interview. Base sa nakita namin, parang hindi Pinoy ang gumawa nito.

Malupit din ang unang task, dahil mula sa sinakyang barge, pinalangoy ang castaways ng isang kilometro patungo sa isla.

Sa totoo lang, maganda ang mix ng castaways at karamihan dito’y mga simple o ordinaryong tao lamang. Walang masyadong pasosyal, kaya siguradong makaka-relate sa kanila ang televiewers.

Ang 18 castaways ay binubuo nina Chevyline Macias, isang palabang Bisaya na may second-hand clothes business; Zita Ortiga, isang labandera; ang sporty mom na si Maria Nona “Nina” Ortiz; modelong si Kristina “Kaye” Alipio; Veronica Domingo, taekwondo champ; Anna Charisse Yacapn, product officer ng isang telecom company na ngangarap maging host ng Eat Bulaga; Emerson Dino, isang technician; Crisanto Cartagenas, isang driver; John Carlo Tiuseco, hardcourt heartthrob; Robert Vincent Sy, isang sales officer at negosyante; Raymund Rustia, isang Bob Marley fan; mekanikong si John Anthony Lopez; waiter na si Marlon Carmen; Reynaldo Flores Jr., balikbayan from Hawaii; Vevherly Gador, anak ng isang magsasaka; Leona Rica Dacullo, isang call center employee from Cebu City; at ang yayang si Jervy Daño, na excited sa matatamong TV exposure.

Lahat sila, dumaan sa masusing screening at napili mula sa 43,000 auditionees.

Isa-isa silang makikilala simula Sept. 15, magtatagisan at magpapagalingan sa gitna ng kawalan. Sila-sila rin ang huhusga kung sino sa kanila ang nararapat na matira.

Ang matitirang matibay ang magkakamit ng tumataginting na P3-million cash prize at tatanghaling kauna-unahang Pinoy Sole Survivor.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites