<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, September 10, 2008

Rhian Ramos, kinilig sa katawan ni JC

SA October 3 pa ang debut ni Rhian Ramos, pero ngayon pa lang, tipong excited na ang dalaga sa preparasyong ginagawa para sa okasyon.

Kakaiba ang gimmick na naiisip ni Rhian sa coming-out party. Gabi ng Oct. 2 gagawin ang selebrasyon sa Embassy Bar sa The Fort, Taguig City, para salubungin ang mismong kaarawan niya.

Imbes na sa hotel o isang magarbong venue ito gawin, nag-decide ang young actress na ipasara ang buong Embassy Bar para sa celebration ng 18th birthday dahil marami sa mga kaibigan at kakilala niya ang regular na nagpupunta rito.

That way daw, hindi na niya kailangan pang magbigay ng direksyon sa guests at mas magiging kumportable na ang mga ito sa lugar, hindi stiff.

Wala rin siyang balak na kumuha ng escort dahil wala raw siyang maisip kung sino ang nararapat.

Simple lang din ang susuotin ni Rhian courtesy of Sabella at four to five changes ang gagawin.

Gaya ng typical na debut, magkakaroon din ng 18 roses at 18 candles si Rhian na ang karamihan sa participants ay mga kasamahan niya sa Kapuso Network.

Kabilang sina Richard Gutierrez, JC de Vera, Mark Herras, Richard Gomez, Dominic Roco at directors Topel Lee at Mark Reyes sa 18 roses.

Kasama raw dapat sina Mike Tuviera at Robin Padilla sa line-up, kaso, parehong nag-beg-off.

Si Mike, may prior engagement. Si Robin naman, umoo nu’ng una, pero nang tanungin kung kailan gagawin ang party, nag-decline dahil nasa Australia raw siya that time para sa birthday ng asawang si Liesel Sycangco, na magbi-birthday latter part of September.

Hindi rin kasama sa 18 roses ang nali-link sa kanyang si Philip Gozon dahil nasa Amerika na ang binata.

Kahit daw hindi ito umalis ng bansa, hindi rin sure si Rhian kung isasali niya ito’t hindi naman sila ganu’n ka-close.

Anyway, sina Iza Calzado, Jolina Magdangal at Rufa Mae Quinto pa lang ang confirmed niyang ka-join sa 18 candles.

Type raw niyang imbitahin sina Judy Ann Santos (nakasama niya sa Ouija) at Ruffa Gutierrez (ate ni Richard), pero hanggang sa interview kahapon ng tanghali, hindi pa niya sila naaabisuhan.

“Sana puwede sila,” wish ni Rhian sa harap ng writers.

Sina Juday at Ruffa lang ba sa Kapamilya stars ang guests sa party niya? Eh, si Alessandra de Rossi, dating Kapuso na ngayo’y Kapamilya na’t minsan ding napabalitang nakabangga niya?

“Baka hindi pumunta,” ang maikling dialogue ng dalaga, na ikinatawa ng press.

Sure na raw ang pagdalo ng father niyang si Gareth Howell na lilipad pa mula sa Dubai kung saan ito based ngayon. Ito ang magiging last dance niya.

Wala pa siyang first dance, dahil tumanggi ang dapat sana’y una niyang kasayaw — ang GMA Artist Center handler na si Michael.

Ba’t hindi na lang si JC ang gawin niyang first dance, tutal naman ito ang makakasama niya, bukod kay Wendell Ramos, sa susunod na programa, ang Pinoy adaptation ng hit Argentinian soap na La Lola, sa GMA Network?

Well, abangan na lang natin kung kakagatin ni Rhian ang ideya. Tutal naman, mukhang kilig siya kay JC, lalo na nang may maglabas ng hubad na picture nito bilang macho dancer sa isang episode ng Obra, ’di ba, DS?

[via]

Labels:

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

bat ganun, prang laging d mgnda ang tsismis k rhian ramos? may attitude prob;em ba sya?

4:17 PM  
Anonymous Anonymous said...

concern lang ako kay rhian bakit lagi bad publicity ang lumalabas sa kanya. magaling namn siyang artista.

8:47 AM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites