<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Saturday, September 27, 2008

Wilma Galvante, naging maingat sa pagsagot

SA isang pambihirang pagkakataon, sabay-sabay na humarap sa showbiz press ang ilang GMA-7 executives, sa pangunguna ng SVP for Entertainment na si Wilma Galvante, para i-share ang mga plano at bagong programa ng istasyon kahapon ng tanghali.

Kasama ni Wilma sa tsikahan sina Marivin Arayata, Butch Raquel, Lilybeth Rasonable at Darling de Jesus.

Ilan sa mga ibinalita nila ay ang proyektong muling pagtatambalan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, pagkatapos ng Dyesebel at One True Love (pelikula sa GMA Films).

February 2008 ang target telecast ng ikatlong TV series nina Marian at Dingdong na unang isinapelikula starring Vivian Velez mula sa panulat ni Direk Calro J. Caparas.

Kailangan daw kasing bigyan ng break ang tambalan para hindi pagsawaan ng televiewers.

Pero isu-sustain ang exposure nila by way of several TV guestings at ’yun ngang movie with Iza Calzado.

Ni-reveal din ng grupo nina Wilma na si Regine Velasquez ang magiging leading lady ni Robin Padilla sa Totoy Bato, next assignment ng huli after Joaquin Bordado at ng una after Ako si Kim Samsoon.

Si Richard Gutierrez naman, dalawang proyekto na ang nakahanda matapos ang Codename: Asero, na papalitan ng Luna Mystica nina Mark Anthony Fernandez at Heart Evangelista by mid-November.

Isa na nga rito ang Pinoy adaptation ng masked hero na si Zorro, at ng Koreanovela na Full House.

So far, wala pang leading ladies na binabanggit ang GMA-7 execs sa dalawang proyekto.

Siyempre, sinamantala na rin ng writers ang pagkakataong kumustahin ang relasyon ngayon ni Wilma at ng madir ni Richard na si Annabelle Rama.

Matatandaang nagkaroon ng word war ang dalawa dahil sa pagkakatapat ng birthday blowout concert nina Marian at Dingdong sa first day ng Richard-KC Concepcion movie, For the First Time, under Star Cinema.

“We do not discuss her,” ang simple at tila ingat na tugon ng network exec.

Dinenay din niyang nagkita sila ni Tita Annabelle sa birthday party ni Senator Bong Revilla sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan, nu’ng Miyerkules ng gabi.

“Hindi kami kailangang mag-usap. I am not looking for that moment...let’s give her her peace,” dagdag pa ni Wilma.

As far as Richard’s projects with the Kapuso network are concerned, ang VP daw na si Marivin ang nakatutok doon ngayon.

“It shouldn’t be part of my detailed job anymore,” paglilinaw ni Wilma, na na-promote na sa SVP (senior vice president) level.

Sey pa niya, “Walang problema, may nag-aasikaso sa kanya (Annabelle).”

As for Tita Avin (Marivin), okay naman daw ang relasyon nila ni Tita Annabelle at walang problema.

Kung sabagay, the last time makausap ng press ang madir ni Richard, sinabi nitong mas type niya na ang peace for everybody para good karma siya.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites