<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, October 06, 2008

Carlene Aguilar karay-karay ang boyfriend

KARAY-KARAY ni Carlene Aguilar ang non-showbiz boyfriend niyang si Yo Ocampo sa launching ng bagong showbiz website na istarsayt (www.istarsayt.com.ph) nu’ng Sabado sa Capisce bar sa Metrowalk, Ortigas.

Nu’ng una ay biglang pinawisan at lumabas ng bar si Yo dahil ang da­ming nakatutok na TV camera sa kanila, pero pagbalik niya ay natsika-tsika namin sila ni Carlene.
Sa tantiya ni Carlene ay mga 9 months na ang relasyon nila ng guwaping na si Yo.

Matagal na raw silang magkaibigan na naging constant dates. Dating nagmomodelo si Yo at sa modeling sila nagkakilala ni Carlene.

Natatawang tumango ang ina ng anak ni Dennis Trillo nang sabihin na­ming, “So, matagal ka na palang naka-move on?!”

Alam ba ni Dennis ang tungkol sa kanyang boyfriend?

“Alam niya yata. Dati, nagtatanong siya sa akin, eh! Sabi niya, pakita nga ng picture! Ha! Ha! Ha!” sey ng dating beauty queen.

Kaedad ni Dennis si Yo, 29 y/o. Si Carlene ay 26 y/o. Tubong-Quezon si Yo, pero nasa Navotas ang ice plant business ng ama nito na ipinapamahala sa kanya.

Ang family business nila ang dahilan kaya siya huminto sa pagmu-model.

Nang tanungin namin si Yo kung nag-meet na sila ni Dennis, ang sagot nito ay, “Kailangan ba? Okey lang siguro kahit hindi na.”

Natatawang sey ni Carlene, madalas umupo sa studio audience ng Celebrity Duets si Yo dahil pinipilit niya itong manood ng show.

Madalas din daw nila­laro ng nobyo niya ang love child nila ni Dennis na si Calix.
In fairness ay nagpapadala ng sustento si Dennis sa kanilang anak. Ayon kay Carlene ay wala silang problema ni Dennis pagdating sa bagay na ‘yon.

Kasama nga pala si Carlene sa MMFF 2008 entry na Iskul Bukol: 20 Years After.

Reporter na may gusto kay Vic Sotto ang role ni Carlene sa kanyang first movie.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites