<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, October 10, 2008

Dennis Trillo: "Huwag niyang pakialaman ang hindi kanya"

Aminado si Dennis Trillo na malaking surprise sa kanila ang success ng Mag-ingat Ka sa...Kulam.

Sa hirap daw ng buhay ngayon at sa krisis sa movie industry, nun’g una ay talagang may kaba factor na baka hindi ito maging successful.

“Kaya ganu’n na lang ang saya namin nang mabalitaan naming ganu’n kaganda ’yung performance ng movie, malaki ang kinita, maraming tumangkilik, maraming nanood. Hindi ko ma-explain ’yung feelings ko nu’ng malaman ko at tinext sa akin na P8 million ang first day at tumataas pa hanggang ngayon,” say ni Dennis nang makausap namin sa blowout party ng pelikula.

Tanggap din ng aktor na malaking bagay si Judy Ann Santos kaya naging box-office ang movie at siyempre, ang kanilang direktor na si Jun Lana.

Because of this, feeling niya ay lucky charm niya si Juday.

“Naisip ko ’yun, eh. Kasi sa Aishite Imasu (first movie nila ni Juday shown in 2004), ganu’n din, eh. So, baka nga. Sana masama pa ako sa mga pelikula niya,” pahayag ni Dennis.

Wish ba niya na next movie nila ni Juday, kung sakali, ay medyo love story at may love scenes na?

“Sana, oo, ’di ba? Kung papayag siya, walang problema sa akin. Ako, ready ako sa kahit ano’ng pelikula na maisipan ng Regal para pagtambalin kaming dalawa ulit.”

Naitanong kay Dennis ang tungkol kay Yo Ocampo, bagong boyfriend ni Carlene Aguilar, ina ng anak niyang si Calix Andreas, at aniya, masaya siya para sa dating karelasyon.

Wala bang kurot factor?

“Hindi, wala, wala. Closed book na ’yon, eh. Panibagong chapter ’yon ng buhay niya at siyempre lahat tayo, may karapatang maging masaya sa buhay natin. ’Yun lang ’yon.”

Hiningan din ng reaksyon si Dennis tungkol sa comment diumano ni Yo na hindi na nito kailangang ma-meet pa ang aktor.

“Hindi ko rin naman siya kailangang makilala, eh. Bakit? Wala na, hindi naman natin dapat pinag-uusapan ’yan, hindi natin siya kailangang pag-usapan,” diretsong sagot ni Dennis.

Hindi pa raw talaga sila nag-meet ng guy at inulit niyang “hindi na kailangan.”

Balita ring close ang guy sa anak niyang si Calix, hindi ba siya natatakot na baka maagaw nito ang kanyang posisyon bilang ama?

“Hindi. Kahit ano ang gawin niya, ako pa rin ang tatay. And hindi ko rin naman hahayaang mangyari ’yon, kasi siyempre, kung meron mang isang tao na gusto kong mapalapit sa anak ko, ako ’yon.”

Hindi man daw niya regular na nabibisita si Calix dahil sa hectic schedule, kapag may libreng oras siya, he makes it a point na mapuntahan ang bata.

Nahingan din ng reaksyon ang aktor tungkol sa tsismis na diumano’y may temper problem ang bagong boyfriend ni Carlene at kung hindi ba siya natatakot sa welfare ng kanyang baby.

“Ah talaga? Hindi ko alam ’yon,” ang inisyal niyang reaksyon. “Well, ’wag lang niyang pakitaan ng masama ang anak ko dahil…” aniya, na hindi na itinuloy ang sasabihin.

“Hindi niya puwedeng galawin ’yon (ang baby), huwag niyang pakialaman ang hindi kanya,” seryoso pang sabi ni Dennis.

Birong tanong ng writers, “Si Carlene na lang?”

“’Yun, sa kanya na,” diretsong sagot ni Dennis. “Sa kanya naman talaga, eh,” pagtatapos pa ng aktor.

Anyway, sa ngayon ay wala pa raw siyang bagong girlfriend after Cristine Reyes at kung sakali raw, next time, mas maganda siguro kung non-showbiz na ang kanyang maging karelasyon.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites