<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, October 30, 2008

Dingdong Dantes labas sa hiwalayang Marian-Ervic

Kausap namin si Marian Rivera bago kunan ang isa sa mga love scene nila ni Dingdong Dantes sa pelikulang One True Love ng GMA at Regal Films sa direksyon ni Mac Alejandre.

Diretso ang mga sagot nito sa tanong ng press.

Kayo na raw ni Dingdong?

“Hindi kami ni Dingdong at hindi dahil itinatago ko ’yon.”

Break na raw sina Dingdong at Karylle at ikaw ang rason?

“Kung may isyu sa kanila at kung break na sila, labas ako at wala akong karapatang magsalita sa kanilang relasyon dahil nirerespeto ko sila. Labas ako sa problema nila.”

Inagaw daw niya si Dingdong kay Karylle?

“Lagi kong sinasabi na ’di ako gagawa ng bagay na pang-sarili ko lang at ayaw ko ring makasakit ng ibang tao.

“Never akong mang-aagaw para magka-boyfriend lang. Hindi ko kailangang mang-agaw para may magkagusto sa akin.”

Kinausap daw siya ni Karylle two weeks ago sa SOP at umiyak siya after?

“Tinawag niya ako at iinterbyuhin para sa article na sinusulat niya about blood donor. Nag-usap kami at sinabi ko sa kanyang tiyak maiisyu kami at nangyari nga.

“Hindi ako umiyak, bakit naman ako iiyak? After the interview, nag-kiss pa kami, siguro pinalawak na lang ang isyu na wala naman talaga.”

Inamin din ni Marian na three months na silang break ni Ervic Vijandre, pero walang kinalaman si Dingdong du’n.

She’s happy and single, trabaho at hindi lovelife ang focus.

Ibinalita niyang nagpapatayo siya ng rows of apartment sa Cavite.

Ginawang isyu ang palitan nila ng messages ni Dingdong na lumabas sa Startalk, pero sabi ni Marian, ginagawa na nila ’yon noon pa at ngayon lang nabigyan ng malisya dahil sa balitang breakup ng ka-loveteam at ni Karylle.

Samantala, ibinalita ni Marian na last soap nila pansamantala ni Dingdong ang Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang dahil ipapareha muna sila sa iba.

Also, may big surprise siya sa fans sa December.

* * *

Hindi pa rin tinumbok ni Dingdong Dantes kung break na sila ni Karylle dahil sabay nga silang magpapa-interview kay Ricky Lo at du’n sasagutin ang lahat ng tanong tungkol sa kanilang relasyon.

Hindi raw ito simpleng bagay kaya gusto nilang maayos sagutin ang mga tanong na matagal nang hinihintay masagot.

“Matutuloy ang interview namin definitely this week at du’n na malalaman ang lahat. Hindi siya announcement, sasagutin lang namin ang mga tanong and I’m sure it will make things better for everybody. We will answer all questions that have to be answered.”

Sabi ni Dingdong, mutual ang desisyon nila ni Karylle na magpa-interview, but Karylle calls the shots, na kanyang nirerespeto at gusto rin niyang mangyari.

Binigyan diin din ni Dingdong na tama ang sinasabi ni Karylle na wala silang problema.

“We talk about issues at ’pag sinabing okey kami, totoo ’yon. Hindi kami nag-aaway at ’yung sagot kong ‘I don’t know’ nang tanungin ako ni Butch (Francisco) about her, totoo, dahil hindi pa kami nagkakausap nang dumating ako from the States.”

Pinag-isip ni Dingdong ang press sa sagot na “Hinding-hindi siya mawawala sa puso ko. Nandyan pa rin siya, talagang mabait ’yon,” sa tanong kung nasaan si Karylle sa puso niya ngayon, kaso hindi na ito nag-elaborate.

Idinepensa rin ni Dingdong si Marian sa mga nagsasabing inagaw siya nito kay Karylle at ito ang sumira sa relasyon nila.

Sabi ni Dingdong: “Since day one, wala talagang kinalaman si Marian sa mga nangyayari. She has nothing to do with it and she will never be the reason kung totoo man. ’Pag tinanong n’yo ako kung kami na? Hindi ang isasagot ko dahil ’yun ang totoo.”

Sa mga nagsasabing gimik para sa movie nila ang mga kaguluhang ito dahil showing na sila sa November 19, heto ang pahayag ni Dingdong: “Isa ’yan sa kinaaasaran ko, nagkataon na dumating ang lahat ng ito na may ginagawa kaming movie.

“To those who know me, I never got involved in any gimmick in the past and I will never be. Kaya nakaka-inis, but it’s something I have to face at hindi puwedeng balewalain ang mga bagay na ito.

“I hope when you talk to me as myself, you wouldn’t think about what I’m promoting. I will answer your question, hindi ako gumigimik at asar ako sa ganu’n.”

[via]

Labels:

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

kung ako sau dingdong maghanap na lang sya ng iba.

sobrang nasamsam na ng puerto ni ervic yan..........hehehehehe

12:29 AM  
Anonymous Anonymous said...

honga ding prang humihigop ka nalang ng mala uhog na buko nyan..........hahahahahahahahahhhhhhiiiiiikkkgh

12:58 AM  
Anonymous Anonymous said...

Grabee kayo ha!below the belt na!!siguro kayo na ang laspag na abot pati cervix..

8:09 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites