<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, October 19, 2008

Dingdong Dantes says he will talk about rumored breakup with Karylle at the right time

Kakabalik lang ng young actor na si Dingdong Dantes kahapon, October 17, mula sa Amerika kung saan nag-abay siya sa kasal ng isang kaibigan. Sinamantala na rin ng young actor ang pagkakataon upang makapagbakasyon na rin kahit ilang aarw lamang.

Hindi na nakapag-extend si Dingdong ng kanyang bakasyon dahil kinailangan na niyang makabalik para makaabot sa inauguration ng bagong GMA Network Studios noong Biyernes ng gabi, na kasabay ng farewell episode ng telefantasya nila ni Marian Rivera na Dyesebel.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong sa loob ng GMA Network Stuidos ay sinabi niya na nanghihinayang siya dahil hindi niya napanood ang last episode ng Dysebel. Dumiretso nga raw kasi siya sa inauguration, kung saan may special dance number siya with Marian.

"Hindi ko nga napanood kasi nag-rehearse pa ako ng dance number namin ni Marian ‘tapos may mga inasikaso pa ako. Then, dumiretso na ako sa inauguration kasi doon na ako nagbihis at nagpahinga.

"May konting jet lag pa ako pero commitment ko ito sa GMA-7 kaya nandito ako. Pina-record ko na lang yung last episode ng Dyesebel para mapanood ko rin naman," sabi ni Dingdong sa PEP.

KISSING SCENE. Usap-usapan din ang naging kissing scene nina Dingdong at Marian sa huling episode ng Dysebel, kung saan ikinasal ang mga role nila nbilang Fredo at Dyesebel sa Sirenea. Sa mga lumabas na mga litrato nila, kitang-kita na parang damang-dama ng dalawa ang kanilang halikan.

"Gano'n ba?" sabay tawa ni Dingdong nang hingan namin siya ng reaksiyon.

"Kung anuman yung napanood nila, isa lang naman ‘yon sa mga maraming naging kissing scenes namin ni Marian. Pero siyempre, kailangan lumabas na mas special ‘yon kasi ikinasal na kami.

"In character lang naman kami ni Marian. Ako as Fredo, talagang mahal ko si Dyesebel kaya yung kiss, part ‘yon ng pagpapakita ng nararamdaman ni Fredo kay Dyesebel. Trabaho lang ‘yon at alam yun ni Marian," diin ni Dingdong.

RUMORED BREAKUP. Hindi na rin namin pinakawalan ang pagkakataon na tanungin si Dingdong tungkol sa napapabalitang hiwalay na sila ng girlfriend niyang si Karylle. Nagsalita na kasi si Karylle sa 24 Oras at nag-deny ito sa balitang hiwalay na sila. Nalaman daw ito ni Dingdong noong nasa U.S. siya at may lumabas pang report na nagalit siya diumano dahil may usapan na raw sila ni Karylle na sabay silang magbibigay ng official statement tungkol sa totoong estado ng relasyon nila.

"Ang totoo niyan, hindi pa kami nagkakausap or nagkikita ni Kay kasi kakabalik ko pa lang," sabi ni Dingdong. "Nakarating naman sa akin yung sinabi ni Kay. I don't want to say anything muna tungkol sa mga sinabi niya.

"I feel na hindi pa ito right time. Pero magsasalita naman ako sa tamang oras talaga. Nangako naman ako na I would give an interview para malinawan na ang lahat sa mga nangyayari. Malapit na ‘yon kaya hindi naman kayo maghihintay ng matagal," pangako niya,

Halatang ayaw munang magsalita o mag-comment ni Dingdong sa anumang naging pahayag ni Karylle. Sabi nga ng ibang taga-press, kung wala talagang problema sa relasyon ng dalawa, madali namang sabihin ni Dingdong na okay sila ni Karylle at maayos pa rin ang relasyon nila. Pero tila iniiwasan pang magsalita ni Dingdong sa kung anumang kadahilanan.

Nang tanungin naman namin si Dingdong tungkol sa business nila ni Karylle, siniguro niya na hindi naman ito apektado. Part-owners kasi sina Dingdong at Karylle ng Centerstage Family KTV and Music Bar sa Timog Avenue, Quezon City at sa Jupiter St., Makati Cty.

"Tuloy pa rin naman whatever happens," mabilis na sagot ni Dingdong. "Hindi lang naman kami ni Karylle ang nasa negosyo na ‘yon. Marami naman kami doon kaya tuluy-tuloy pa rin ‘yon and nothing has changed naman. Business is doing good as usual."

Sa pag-iwas ni Dingdong na magbigay ng opisyal na statement, marami na ang naniniwala na may problema nga sa samahan nila ni Karylle. Nagkataon pa na wala si Karylle sa inauguration ng GMA Network Studios at marami ang nakapansin na buong gabi na hindi umalis sa tabi ni Marian Rivera si Dingdong. Hanggang sa pag-uwi nila, hinatid pa ni Dingdong si Marian sa sasakyan nito.

[via PEP]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Dingdong has to do this because one time, I remember reading a blog saying he(dingdong) is seeing the real character of ate Marian(Her mishaps etc). Of course, kailangan gawin to para hindi mapahiya si Ate Marian.

3:00 AM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites