<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, October 23, 2008

Jean Garcia hiwalay na kay Polo

Ngiti ang reaction ni Jean Garcia nang biruing nakisabay sila ni Polo Ravales sa napapabalitang break-up nina Karylle at Dingdong Dantes.
Ang kaibahan lang, ang sa kanila ni Polo ay inamin niya, ipina-off-the-record, pero lumabas din.

Sa pictorial ng Class Picture episode ng Shake, Rattle & Roll X, kung saan isa si Jean sa mga tampok, sinabi nito na hindi siya sasagot ng Polo questions, pero hindi rin nakaiwas, kaya lang, hindi diretsahan ang mga sagot.

Itinanggi niyang dahil sa breakup ang pag-iiwasan nila ni Polo sa presscon at TV promo ng Gagambino.

“Hindi naman ako umiiwas dahil sa break, wala lang. Basta lang,” say nito.

Break na ba sila ni Polo?

“What you see is what you get! Ever since, I don’t talk, it’s not my style at inuulit ko, what you see is what you get. Friends naman kami, magkatrabaho kami walang diperensya kung patuloy kaming magtatrabaho,” pahayag ni Jean.

Kung ganu’n, walang dapat ikabahala ang staff ng Gagambino at ’di rin maaapektuhan ang digifilm na Walang Kawala, na showing sa November 12, dahil magpo-promote sila.

Sa pahayag na “Hindi naman katapusan ng buhay, ’di natatapos du’n” at “marami pa r’yan, marami pang puwedeng mangyari,” tinuldukan ni Jean ang relasyon nila ni Polo.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites