<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, October 29, 2008

Karylle, mananatili sa puso ni Dingdong!

MATAGAL-TAGAL nang napapabalitang hiwalay na sina Dingdong Dantes at Karylle, pero hanggang ngayon ay wala pang diretsong denial o confirmation na nagmumula sa kanilang dalawa.
“We made a promise to each other, kami ni Kaye (palayaw ni Karylle), na kung sasagot kami regar­ding this issue, eh magkasama kami,” seryosong bulalas ni Dingdong nang makausap namin kahapon sa set ng One True Love sa La Posada Clubhouse, Lakefront, Sucat, Muntinlupa.
“Dahil siyempre, hindi lang naman siya isang simpleng bagay. Hindi siya isang madaling bagay.
“I know it’s not easy for me, for her, for the people around. So, gusto namin sana na maa­yos ang pagsagot namin sa ganitong isyu.
“Alam kong people r­eally want to hear our side and I really want to ask for patience because this is not an easy thing.”
Bakit hindi pa natutuloy ang plano nilang pagpapainterbyu ni Karylle kay Ricky Lo?
“Matutuloy siya. Definitely, it will be this week. And she decided kasi na... If things will turn out okay, doon na mala­laman kung ano ba talaga ang nangyari.
“Sa ngayon, nothing is definite. But one thing’s for sure, before the week ends, we will do something.”
Hindi siguro sila magsasalita together kung sasa­bihin lang nila na sila pa rin, ‘di ba? Malamang na ia-announce nilang break na silang dalawa.
“Definitely, we will answer all the questions that have to be ans­wered,” very safe na hirit ni Dong.
Bakit nabanggit daw minsan ni Kaye na wala itong kailangang i-announce?
“Actually, totoo ‘yun, eh! Kasi, hindi rin naman dapat ina-announce kung merong isang masamang bagay na nangyari.
“Ang sa akin, masama man o mabuti, we will just be there to answer questions, because alam namin that there are some people who would really want to know the truth.”
Kahit sila pa rin ay matutuloy pa rin ang sinasabi niyang announcement na gagawin nila?
“Oo. Kasi, kung anuman ‘yon, it’s more of a question and answer thing rather than an announcement. Kaya ‘yung sina­sabi sa akin dati na pagbalik ko raw galing Amerika, meron daw akong announce­ment.
“Sabi ko, hindi naman announcement. Wala namang gano’n, we will just answer questions and whatever will spring from that interview, I’m sure it will make things better for everybody,” makahulugang dayalog ng hunky actor.
Mutual decision ba nila ni Kaye na magsalita nang sabay?
“To talk together, yes. But I would like it to happen in her terms. Pero si­yempre, it’s mutual.
“I want to give due res­pect to what she wants and at the same time, ako rin.”
Sa ilang pagkakataong natatanong si Kaye tungkol sa relasyon nila, luma­labas sa mga sagot nito na okey silang dala­wa at wala silang problema...
“Totoo naman, eh! We talk. Kumbaga, we talk about issues, mga bagay-bagay. So, ‘pag sinabi mong okey, okey kami. Hindi kami nag-aaway. We talk about issues.”
Pero may nakakita raw sa bangko kay Kaye at ang sagot daw nito ay okey pa rin sila ni Dong, meron lang ibang tao na gusto silang paghiwalayin...
“Ah, ‘yun, hindi ko alam ‘yon. Well, all these naman, masasagot naman lahat ‘yun, eh!”
***
Ang pangit ng impression ng iba kay Marian Rivera. May mga nagsasabing inagaw o inahas ni Marian si Dong mula kay Kaye.
“Hindi, kasi since day one, wala talagang kina­laman si Marian sa mga nangyayari. She really has nothing to do with it and she will never be the reason kung totoo man!” maigting na sagot ni Dong.
Nilalagyan ng malis­ya ‘yung dayalog sa kanya ni Marian sa Startalk nu’ng Sabado na salamat daw at tinanggap niya si Ma­rian kung ano ito, at pinasasaya raw niya nga­yon ang dalaga.
“Ah, oo. Kahit naman dati, ‘di ba, nagtataka kayo kung bakit palagi ko siyang pinagtatanggol? It’s because I understand her.
“Siguro, if some people don’t, like ako rin naman siguro, not everyone eh, maniniwala sa akin.
“Maraming mga tao rin siguro na mali ang interpretasyon sa kanya, and that’s the reason why pinagtatanggol ko siya. Kasi, kilala ko siya mula nu’ng nag-umpisa and kaya niya sinabi na tanggap ko siya kung sino siya, eh dahil wala siyang kailangang baguhin.
“At ‘yun ‘yon, that’s the reason why we click. Because wala kaming kailangang patunayan sa ibang tao. Wala kaming kailangang itago sa sarili namin,” esplika ng Kapuso heartthrob.
Ang interpretasyon ng iba sa mga kinikilos at sinasabi nila ay me­ron na silang relasyon ni Ma­rian...
“Hindi, pwede tala­gang magkaroon ng interpretation. Syempre, hindi ko matatanggal sa mga tao na maisip nila ‘yon.
“But the thing is, kung ano talaga ako sa kanya nu’ng nagsimula kami, eh walang nagbago do’n. In fact, mas maganda talaga ang samahan namin ngayon. And sa akin for now, mas maganda na gano’n na muna siya.”
So, ‘pag tinanong siya nang diretso kung sila na ba ni Marian, ano’ng isasagot niya?
“Hindi. Siyempre, hindi,” mabilis na tugon ni Dong.
May mga nagdududa rin na baka gimik nilang dalawa ito ni Marian dahil may pelikula sila...
“Ito na nga, eh! Isa pa sa pinakakinaaasaran ko, eh nagkataon na dumating ang lahat ng ‘to na may ginagawa ka­ming movie.
“And to those who know me, I never got involved in any gimmick or whatsoever in the past, and I will never be.
“That’s why nakakainis lang because nagkataon lang na nagkasabay. At kung meron lang sanang choice na hindi siya isabay rito... Well, it’s still something I have to face and hindi natin pwedeng balewalain ang mga bagay na ganito.
“So, I hope that when you talk to me as myself, you wouldn’t think about what I’m promo­ting because I will not promote. I will answer your question. Hindi ako gumigimik at saka asar ako sa ganu’n, eh!
“I’m not mad, but I don’t think it’s necessary, especially in my case. It’s a very personal thing and kumbaga, very sacred sa akin ang personal kong buhay.
“So, bakit ko isasaalang-alang ang isang bagay para lang sa isang proyekto na hindi ako naniniwala?” hirit niya.
***
So, walang kinalaman si Marian sa kung anumang personal nilang sitwasyon ngayon ni Kaye?
“Wala siyang kina­laman, wala siyang kina­laman.”
Hindi siya nag-two-time at wala siyang pinagsabay na dala­wang babae?
“Ay, wala. Walang gano’n. I can say it without even blinking an eye,” hirit sa amin ni Dong.
As of now, paano niya ide-describe ang relasyon nila ni Karylle?
“Siguro, it would be better... mas maganda talaga kung isasabay ko na ‘yung pag-describe ko roon ‘pag kasama ko siya.
“Kasi, gusto ko na ‘pag ganu’n na kade­talyado, gusto ko, kasama siya, eh!” sey ng binata, na ang galing umiwas sa isyu.
Masaya ba siya nga­yon?
“Hindi, because there are many misinterpretations. But once the truth is out and once everything has been settled, then I hope things can go on smoothly.”
Nasaan na sa puso niya ngayon si Karylle?
“Hinding-hindi siya mawawala, siyempre. Nandiyan pa rin,” kaswal na sagot ni Dingdong.

[via]

Labels:

2 Comments:

Anonymous Ahlcyn Casane said...

Go dingdong ding it!!!

11:27 PM  
Anonymous Anonymous said...

ewan ko sa iyo dingdong sabihin mo di ka talaga makontento,,,isa lang payo ko sa iyo dong isipin mo ang word na KARMA.

2:47 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites