<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, October 02, 2008

Mag-Ingat Ka Sa Kulam, will it become a hit?

Hindi ako magtataka kung mag-hit sa takilya ang Mag-Ingat Ka Sa Kulam ng Regal Films. Mismong si Mother Lily Monteverde ang nagpo-promote ng pelikula, hindi lamang ang mga bida ng Kulam.

Umapir si Mother noong Linggo sa SOP at sa Showbiz Central para i-promote ang pelikula nina Judy Ann Santos at Dennis Trillo.

Sa darating na Sabado, co-host namin si Mother sa Startalk at first time ito na magiging co-host siya ng isang showbiz talk show.

In good mood ngayon si Mother Lily dahil bongga ang feedback sa Kulam. Lahat ng nakapanood eh puring-puri ang pelikula. Hindi raw sila magugulat kung magkaroon ng follow-up project si Jun Lana. Si Jun ang direktor at scriptwriter ng Kulam.

Nakabawi si Jun sa Kulam dahil hindi masyadong pinang­gigilan noon ng moviegoers ang Gigil.
* * *

Pati ang mga reporter na pumunta sa premiere night ng Kulam, naloka dahil hindi nila ine-expect na nakakagulat at bongga ang pelikula.

Nakitili ang iba sa kanila sa pagtili ng audience na afraid na afraid dahil malakas ang gulat factor ng Kulam.

Holiday kahapon at payday noong Martes. Perfect na perfect ang opening day sa mga sinehan ng Kulam dahil wala itong kasabay na Hollywood movie. Nakasisiguro na si Mother Lily na pipilahan sa takilya ang Kulam dahil sa magandang reviews sa pelikula niya.

Rated A ng CEB ang Kulam at nakatulong ang A rating kaya lalong na-curious ang mga tao na panoorin ang pelikula.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites