<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, October 14, 2008

Mau Marcelo inokray ang Pinoy Idol

Feeling ng first Philippine Idol winner na si Mau Marcelo, hindi siya naalagaan nang husto ng Fremantle Media kaya balik Viva Artists Agency (VAA) siya.

Dati nang nasa VAA si Mau, pero nang manalo sa Philippine Idol, kinontrata ng Fremantle Media at in-assign si Sandra Chavez bilang manager niya.

Pero ayon sa singer, parang hindi naman niya naramdamang naasikaso siya.

“Hindi pa tapos ang contract ko pero nagpa-release na po ako dahil wala pong nangyayari sa career ko. “Nasasayangan ako sa mga panahon, sa talent ko at ako po ay breadwinner pa rin, eh, wala po akong pera.

“Wala na pong trabahong ibinibigay sa akin, kaya nag-decide ako lumipat ulit ng Viva,” pahayag ni Mau nang makapanayam ng press sa recent presscon ng VAA Artists sa Viva office.

Prangka ring sinabi ni Mau na naging busy kasi ang dating manager niya kina Sharon Cuneta at KC Concepcion kaya hindi siya naasikaso.

“Kaya, medyo na-disappoint din ako. Three years sana ’yun, eh, two years pa lang sana po ako sa December pero hindi ko na kaya,” say pa ng PI grand champion.

Wala naman daw ipinangako ang Viva sa kanya, pero pakiramdam niya, mas maaalagaan siya ng naturang artists management.

Ipinagtapat din ni Mau na naasar siya nang naiba ang title ng Philippine Idol nang malipat ito sa Siyete at gawing Pinoy Idol.

Siyempre nga naman, parang nabalewala ang effort nila, lalo na nga siya, na hinirang na kauna-unahang champion ng naturang reality show. Ang konsuwelo na lang daw niya, at least, alam ng tao na siya ang una.

Nakaaaliw din ang komento ni Mau na parang hindi raw naramdaman ang Pinoy Idol dahil ang bilis natapos.

“’Yung sa amin, kahit Channel 5 lang, at least tinangkilik talaga,” say pa niya.

Ang pinaka-nakalolokang komento ni Mau ay hindi raw deserving ang nanalong Pinoy Idol na si Gretchen Espina.

Naku, nangangamoy intriga ito!

[via]

Labels:

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

TOTOONG TAO LANG SI MAU...AND I BELIEVE HER..MAS MARAMING NAKAKAKILALA KE MAU BILANG PHIL. IDOL KESA SA WINNER NG GMA...MAS TALENTED ANG TOP 12 NG PHIL.IDOL...PINOY IDOL ALANG KWENTA KAYA MABILIS NATAPOS...MORE POWER MAU

7:24 PM  
Anonymous Anonymous said...

insekyora sya...poor na nga sya nakuha pa nyang mang okray...yan napapala ng mga mahihilig gumwa ng eksena at dirt poor..chaka chaka pa..nu ba yan..insecure sya...

12:25 AM  
Anonymous Anonymous said...

sino'ng mau? sinong gretchen?

12:25 AM  
Anonymous Anonymous said...

Go Mau ... your the 1st and original phil idol ... hehehe, prngka ka talaga, very honest opinion ...

9:21 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites