<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, October 22, 2008

Pagbabati nina Willie, Joey ’di ikinatuwa ng iba

MAY mga taong hindi maligaya sa pagbabati nina Joey de Leon at Wowowee host Willie Revillame.

Sad to say, ang mga taong ito ay supporters at employees mismo ng Kapuso at Kapamilya networks.

Tinatawag nilang ‘kaplastikan’ ang pagbabati ng dalawa. At mas masaya pa raw sila kung nagkatarayan o nagka-umbagan sina Joey at Willie sa awards night na iyon ng young writers/critics sa Embassy.

Sa panayam namin kay Joey sa studio ng Startalk, sinabi niyang ina-asahan na niyang may mga taong hindi magiging masaya sa pagkakabati nila ni Willie.

“Kasi, gusto naman talaga ng mga tao na may mga nag-aaway. Parang pelikula ‘yan eh, mas gusto ng moviegoers na may napapanood silang nagpapatayan,” wika ni Joey.

By the way, doble ang nadaramang kaligayahan ngayon ni Joey dahil sa double-fulfillment niya.

Una ay ang pagkakaaward sa kanya ng Supremo, isang lifetime achievement award, mula sa circle of young writers/critics.

Ikalawa, ang talk show sa GMA-7, Startalk, kung saan isa siya sa mga host – Lolit Solis, Butch Francisco — ay nagdiriwang na ng ika-13 taon sa ere.

“Isa pang nakadagdag sa kaligayahan ko ay ang pagkakabati namin ni Willie. Totoo, walang plastikan d’yan,” wika ni Joey.

At super-excited daw siya dahil sa 13th anniversary presentation ng Startalk sa Sabado (Oct. 25), sa bagong building sa sila.

“Isa kami sa mga unang gagamit ng brand new studio sa bagong building ng GMA kay excited ako,” ayon pa kay Joey.

Maiinit na isyu ang tatalakayin sa 13th anniversary airing ng Startalk. Si Joey pa rin ang hahawak ng nakakatawa, nakaiinis at nakakikiliting segment na ‘Di Umano ni Commentirador.

[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites