<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, October 20, 2008

Paolo Ballesteros becomes a father this November

Sa darating na November ay magiging isang ganap na ama na ang young actor-TV host na si Paolo Ballesteros.

Si Paolo mismo ang umamin sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na manganganak na ngayong November ang dating non-showbiz girlfriend niya na si Kaye (ayaw nang ipabanggit ni Paolo ang apelyido) na kasalukuyang nasa Chicago ngayon.

"She's from Baguio, classmate ko siya sa St. Louis University at dati ko siyang girlfriend. Nasa Chicago siya ngayon, dun na siya naka-base, she's working there at saka student rin siya at the same time," pahayag ni Paolo.

Paano nangyari ang lahat?

"Nagkita kami sa New York nung dalawin ko ang papa ko nung February. Di ba, may sakit ang father ko kaya pumunta ako sa States para dalawin siya? And yun nga, nagkita kami ni Kaye. At dun na nga nangyari," lahad niya.

Ayon kay Paolo, break na raw sila ni Kaye at magkaibigan na lang sila nang may naganap sa pagitan nila na nagbunga nga.

"Nadala lang siguro kami ng bugso ng damdamin," sabi ni Paolo. "Wala siyang [Kaye] asawa or boyfriend. Ako rin naman, wala akong karelasyon ngayon," pahayag pa ni Paolo.

Nakatakdang magsilang ng isang sanggol na babae, ayon sa ultrasound, si Kaye sa huling linggo ng November.

"Sana ka-birthday ko yung bata; November 29 kasi ang birthday ko. Sana pareho kami ng birthday ng anak ko," wika ni Paolo.

Titiyakin daw ni Paolo na sa pangangank ni Kaye ay nandun siya sa tabi nito.

"Pupunta ako sa Amerika mga second week ng November. Siyempre naman, gusto ko, nandun ako habang ipinapanganak ang anak ko."

Tamang-tama naman na tapos na ang Dyesebel, kung saan gumanap si Paolo bilang si Bukanding, kaya makakaalis siya ng Pilipinas.

Ballesteros ang apelyidong dadalhin ng batang isisilang ni Kaye, sabi ni Paolo. Susuportahan din niya ang mga pangangailangan ng kanyang magiging anak, pati na rin ang mga gastusin sa panganganak ni Kaye.

Nang tanungin naman namin kung may plano ba silang dalawa ni Kaye na magpakasal o kung ano ang magiging set-up nila since friends lang naman sila ngayon, ito ang kanyang sagot: "Wala pang plano tungkol sa kasal. Pag-uusapan pa namin ang arrangement pagdating ko dun sa States."

[via PEP]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites