<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, October 29, 2008

Yasmien Kurdi at JC de Vera nag-iisnaban

TOTOO palang malamig na ang samahan ng dalawang dating magka-love team na sina Yasmien Kurdi at JC de Vera. Mismong kay Yasmien nanggaling na never na silang nagti-text or nagku-communicate ni JC mula nang magkaroon sila ng magkaibang programa sa Siyete.

Si JC ay kapartner ngayon ni Rhian Ramos sa Lalola, samantalang si Yasmien ay partner si Dion Ignacio sa bagong soap na Saan Darating ang Umaga?

Nasabi rin sa amin ni Yasmien na never niyang naka-MU si JC kahit pa nagkasama sila sa tatlong soap opera ng GMA.

Nabalik ang isyu kina Yasmien at JC nang magsalita si JC sa Showbiz Central last Sunday hinggil sa totoong naging relasyon nila ni Yasmien.

Ayon kay JC, never silang naging mag-on ni Yasmien, pero nang sabihin ito ni JC ay “na-lie” siya sa lie detector test.

Idinugtong pa ni JC na kahit “mutual understanding” (MU) ay hindi raw sila nagkaroon ni Yasmien.

Inamin din ni JC na kahit magkita sila ni Yasmien ay hindi sila nagbabatian o nagkaroon ng communication pagkatapos nilang magtambal sa mga soap opera.

Depensa naman ni Yasmine, busy daw siya at maaaring busy din si JC kaya hindi sila nagti-text sa isa’t isa.

Nagsimula na si Yasmien na mag-taping nu’ng October 18 para sa Saan Darating ang Uma-ga? na si Maryo J. delos Reyes ang direktor.

[via]

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites