<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Friday, November 07, 2008

Celebrity Duets finals, bukas na

Bukas na ang finals ng Celebrity Duets at isa kina Chairman Ba­yani Fernando, Joey Marquez at JC Buendia ang tatanghaling winner base sa pinakamaraming text votes.

Malaki raw ang edge ni Chairman Fernando dahil baka sinunod ang payo ng last year’s winner Tessa Prieto-Valdes na mag-vote buying.

Mas type namin na si Joey ang winner dahil malaki ang na-improve niya sa pagkanta at malaking revelation ang ipinakita niyang may ibubuga pala siya sa pagkanta bukod sa pagpapatawa.

Pagkatapos ng Celebrity Duets ay dapat magbabakasyon na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, pero hindi na raw matutuloy dahil nasundan ito ng marami pang trabaho.

May tatapusing album pa raw si Regine at sisimulan na rin niya ang Totoy Bato nila ni Ro­bin Padilla.

Si Ogie ay may mga commitments abroad, pero baka tumuloy sa Australia ngayong buwan para madalaw ang kanyang dalawang anak bago mag-Pasko.

Sana, maulit daw uli ang bonding na ginawa nila rito, kaya susubukan pa rin daw nilang makapunta ng Australia na magkasama silang dalawa para sila naman ang i-treat doon nina Michelle Van Eimeren.

Kaagad na sinagot ng magkasintahan ang intrigang pinagselosan ni Regine ang partner ni Ogie na si Daiana ng Eat Bulaga sa bagong music video nito.

Nagkaroon ng konting intriga ang music vi­deo na iyun dahil nahahalatang crush daw ni Ogie ang Brazilian mo­del kaya nag-react daw si Regine.

Sagot ni Regine, “Hindi. Ako naman kasi, ‘pag magseselos ako, if only he gives me a reason to be jealous. Ako pa ang nagsabing ipa-recut dahil parang wala silang mas­yadong interaction.”

[via]

Labels:

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

nde ba kau nagtataka kung bakit ung tatlong kumag ang natira sa labanan?

halata ba............hehehehe

11:59 PM  
Anonymous Anonymous said...

grabe naman ang gma-7 lumalabas tuloy parang mga bobo ung mga nanonood ng palabas neto o ang studio mismo.

cguro pareho..............hahahahahaha

mga louser ika nga ni patani.

toink

12:07 AM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites