<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Monday, November 17, 2008

I don’t hate, I dislike -- Richard

MASAYA ang ginanap na cast party para sa katatapos na Codename: Asero sa Studio 5 (formerly Studio 3) ng Kapuso Network nu’ng Biyernes ng gabi.

Hindi lang pagkain at inumin ang literal na umapaw para sa kasiyahan ng lahat ng involved sa produksyon, kundi pati raffle prizes na inabot ng ilang rounds sa sobrang dami.

Siyempre, courtesy ’yon ng lead at support cast, na pinangunahan nina Richard Gutierrez, Heart Evangelista, Carmina Villarroel, atbp.

Kahit nasa ospital nu’ng araw na ’yon para sa operasyon sa Asian Hospital nu’ng Sabado, nakuha pang magpadala ng mommy ni Chard na si Annabelle Rama ng ilang lechon at papremyong pinagsaluhan ng Asero cast and crew.

Maraming issues na klinaro si Chard nang makatsikahan ng writers bago ang party proper.

Isa na rito ang naging kontrobersya sa pagitan nila ng StarStruck discovery na si Aljur Abrenica.

Dahil intriguing ang shirt na suot-suot ng actor nu’ng gabing ’yon, na may malaking “Stop hating” rubberized design, inurirat ito ng press tungkol sa Fiamma Bar incident, kung saan sinasabing nagkaengkuwentro sila ni Aljur dahil umano kay Jewel Mische.

Pero ani Chard, “I don’t hate, I dislike,” sabay tawa.

Very positive raw ang outlook niya ngayon at walang ibang focus kundi career at pamilya..

Mas type raw niyang pagtuunan ng pansin ang health nina Tita Annabelle at Tito Eddie (Gutierrez), na kamakailan lamang ay nag-undergo ng angioplasty.

“No more negative energy,” turan pa ng actor sabay sabing “non-issue” na para sa kanya at sa kanilang pamilya ang nangyaring sigalot with Aljur.

“The family doesn’t even talk about it. Right now, I’m focused on my next project at sa health ng parents ko. Wala na ’yon, wala na ’yon,” dugtong pa ni Chard.

Hindi rin daw totoong nagtago o tumakas siya matapos pumutok ang isyu. Hindi raw siya nagtungo ng Dubai at hindi rin totoong may sinundan siyang kung sino roon.

“Unexpected ang operation ng dad ko,” paglilinaw ng actor, “nu’ng magpa-check sa Bangkok ang mom ko, dapat si Mommy ang unang magkakaroon ng operation. Magkikita kami dapat sa L.A., then we’re supposed to go to Houston.

“Pero kami ni Elvis, nauna na sa L.A. Mom was supposed to follow.”

Ang nangyari nga lang, biglang inatake si Tito Eddie, kaya kinailangang operahan agad.

“Wala akong sinundan sa Dubai. Baka naman nu’ng nag-taping pa kami ng Asero ’yon,” dagdag paglilinaw ni Chard. “Si God lang ang nasa puso ko ngayon. Ang sinusundan ko ngayon ay ’yung ospital kung nasaan ang parents ko.

“Imbes na gumawa tayo ng tsismis, let’s all pray for my parents.”

Nagkaroon pala ng misa nu’ng Biyernes at Sabado para sa kanyang ina. “She’s a strong woman. We will keep her strong and we will keep her happy,” pangako pa ni Chard.

As for Tito Eddie, maayos na raw ang lagay nito ngayon.

“It’s a fresh start for him, ramdam namin na he’s energized after the operation.”

Super excited naman ang actor sa pagbabalita tungkol sa susunod na proyekto sa Siyete. Even without mentioning kung ano yon, alam na ng press na Zorro ang tinutukoy ng aktor.

Magsisimula na raw siyang mag-training para rito ng horseback riding at fencing, kaya wala muna siyang magiging bakasyon hindi tulad nu’ng magtapos ang Lupin.

Sa sobrang busy nga raw ng schedule niya, mukhang hindi niya makakayang manood ng laban ni Manny Pacquiao kay Oscar dela Joya sa Las Vegas sa susunod na buwan.

Sa December na rin kasi mag-uumpisa ang taping para sa Zorro, na sabi pa ni Chard ay kakaiba dahil gagawin nila itong Pinoy version.

May sisimulan din siyang reality show sa GMA-7, ang Full Force Nature, tungkol sa natural disasters at kung paano mape-prevent ang global warming.

By end of this month daw ito magsisimulang mapanood sa Kapuso channel.

Maliban dito, nakatakda na rin niyang umpisahan ang GMA Films movie opposite KC Concepcion. Ito yung follow-up sa first team-up nilang For the First Time ng Star Cinema.

Sa Disyembre sila naka-schedule mag-shoot sa ilang parte ng Maynila at Palawan.

Gusto nga rin sana niyang ma-feature sa Obra, pero hindi na talaga kakayanin ng schedule niya.

“Namaniobra, eh, end of next year pa siguro,” natatawang sey ni Chard.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

mas babagay na title ng bagong show ni chard ay 'zorrot'.


hehehehe

12:27 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites