<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Sunday, November 02, 2008

Isabel Oli, Paolo Contis magpapakasal na

ISA sa may pinakamagagandang mukha sa Kapuso network ay itong si Isabel Oli.
Pinaghalong Pinay at Kastila ang looks niya kaya ang ganda-ganda. Pang-beauty queen ang kanyang height at ganda.

Isa sa mga ambisyon dati ni Isabel ay sumali sa Bb. Pilipinas na pina-nalunan noon ng kababayan niya sa Cebu na si Pilar Pilapil.

Pero hindi niya ito natupad dahil kaagad siyang inagaw ng showbiz at naging artista.

“Sa awa ng Diyos hindi naman ako nababakante,” sabi agad ni Isabel nang mainterbyu namin siya sa set ng Ga-gambino na bida si Dennis Trillo.

“Mga two years pa lamang ako sa Kapuso pero marami na akong projects na nagawa sa kanila. Kahit naman hindi bidang-bida ang mga papel ko, okey lang naman.

“Nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi nila ako ginagawang extra, at least, second lead ako, di ba? “As of now, wala akong reklamo sa career ko, slowly but surely ang nagiging takbo nito kaya okey lang,” kuwento ni Isabel.

Sa dami ng talents ng Kapuso network, masa-ya si Isabel dahil nabi-bigyan pa rin siya ng break kahit papaano.

“I feel so lucky dahil may trabaho ako. Kaya nga, ginagawa ko ang lahat para mapansin ni-la na I’m serious sa job ko,” dagdag pa niya.

Challenge para kay Isabel ang role na gina-gampanan niya sa Ga-gambino.

“Marami na akong papel na nagampanan before pero iba itong sa Gagambino. Magta-transform kasi ako rito bilang spider woman,” lahad pa niya.

Apple of the eye din ng mga kalalakihang ta-lents ng GMA-7 si Isabel. Maraming bagets ang nabibighani sa kanya.

Marami ang nanligaw, pero si Paolo Contis ang nagwagi sa puso niya. Kahit alam ni Isabel na matsiks si Paolo, nagustuhan pa rin niya ito dahil sa pagiging likas na mabait.

“Alam ko na ganu’n ‘yong image niya before, pero hindi na ngayon. Seryoso na siya ngayon. Hin-di na siya nambababae,” pabiro niyang pahayag.

“Magmula nu’ng ma-ging kami, hindi na siya tumingin sa iba, sa akin na lang. He-he!he!” dagdag pa niya.

More than one year na ang relasyon nina Isabel at Paolo at ayon sa dalaga, going strong pa raw ito ngayon. May plano na rin daw silang magpakasal.

“Yes, we are planning to get married pero hindi pa ngayon. Hindi rin totoong nag-li-live-in na kami. Walang ganu’n. At saka ayoko ng ganu’ng set-up,” giit niya.

“Bago kami magsama, sisiguraduhin ko munang nakasal na kami,” dagdag pa niya.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

wow,,,nice kakampi mo ako isabel...sana kayo na talaga payo ko ke paolo pare magpakalalaki ka stick ka na sa girlfriend mo hwag ng tumingin sa iba mahirap makarma ...ngayon pa lang i conratulate you sana ang love nyo ni isabel panghabambuhay na....love ko kayo kung ganyan ba ang ending e ...GOD BLESS YOU BOTH.

2:42 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites