<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Wednesday, November 05, 2008

Jennylyn Mercado ‘sinasaktan’ ang anak

NAKAKAGULAT ang statement ni Jennylyn Mercado na noong mag-fill up daw siya ng birth certificate ng kanyang anak, sa space para sa “father,” ang inilagay niya raw ay “NA” na ang ibig sabihin ay not applicable. Ewan kung ano ang ibig niyang sabihin noon, pero mayroon ba namang bata na walang tatay?

Siguro nga sa tindi ng galit ni Jennylyn kay Patrick Garcia matapos na tumanggi itong pakasalan siya at noong umalis ito patungong U.S. nu’ng panahon ng kanyang panganganak, kaya ayaw niyang ilagay ang pangalan nito.

Pero hindi naman kailangang ganoon katindi talaga ang gawin ni Jennylyn.

Sa ilalim kasi ng umiiral na batas, kung ang mga magulang ng isang bata ay hindi kasal, siya ay nananatiling anak lamang ng kanyang ina, maliban na lang kung pipirma ang kanyang ama sa birth certificate na ang ibig sabihin ay kinikilala siya bilang isang anak.

Sa kaso ni Patrick, hindi naman siya pumirma kaya ang bata ay anak lang ni Jennylyn.

Tama rin na isunod niya ang pangalan nito sa apelyido niyang Mercado.

Pero hindi ba naisip ni Jennylyn kung ano ang sasabihin ng kanyang anak pagdating ng araw, kung makikita nito ang kanyang birth certificate at nakalagay na ang tatay niya ay “not applicable.”

Dapat ay inisip ni Jennylyn na kahit pa matindi ang galit niya kay Patrick sa ngayon, ang nadadamay dito ay ang kanyang kawawang anak.

Kasi hindi pa man, inalisan din niya ng karapatan ang kanyang anak sa pagkalinga ng ama nito.

Ano ang malay natin, baka magampanan din ni Patrick ang kanyang tungkulin bilang isang ama sa ibang paraan? Life is uncertain.

Hindi pa natin masasabi kung ano ang mangyayari pagdating ng araw.

[via]

Labels:

7 Comments:

Anonymous Anonymous said...

nde naman sila kasal at nde rin pumirma sa birth certificate samakatuwid tama lang ang ginawa ni jennylyn.

kung kau naman kaya ang anak na tinakbuhan ng tatay eh....saan kpa dba. hehehehehehe

10:23 AM  
Anonymous Anonymous said...

dapat ilagay pa rin ni jennylyn yung name ng tatay dun sa birth certificate para di naman kawawa yung bata even na masama yung tatay...dapat iisipin mo muna ang karapatan ng bata...pagmalaki na ang bata ipaliwanag mo sa bata kung bakit sya iniwan ng ama...kung maganda ang pagpapalaki mo sa bata hope maiintindihan nya lahat ng paghihirap mo jennylyn...isa ako sa fans mo na andito sumusuporta sa iyo...ke patrick naman sana magpakalalaki ka inisip mo sana ang kinabukasan ng bata kawawa...

2:10 PM  
Anonymous Anonymous said...

kung isinulat naman ni Jennylyn na si PATRICK ang ama ay di ba mas nakakahiya yon? Tinakasan na nga siya ni Patrick tapos ilalagay niya name ni Patrick...sa mga Birth Cert naman ay di kelangan isulat ang name ng ama kung hindi rin naman isusunod ang family name dito...tama lang ginawa ni Jennylyn...ang tulad ni Patrick ay walang alam sa pagiging ama dahil ang alam lang niya ay mambuntis at tumakas...kaya tingnan ang nangyari sa career niya...walang mangyari...lumipat nga ng GMA kc sa ABCBN ay para lang siyang langaw doon.

8:11 PM  
Anonymous Anonymous said...

pagdating ng panahon at pwede nang ikwento ni Jennylyn ang nangyari, maiintindihan ng bata kung bakit ginawa ng nanay niya yon...baka nga pati ang bata ay mandiri sa ama niya kung bakit nasa sinapupunan pa lang siya ay ayaw na ni PATRICK sa kanya...baka nga, lahat ng name na PATRICK ay kamuhian ng bata...kaya Jennylyn, paglaki ni Jazz, sabihin mo ang totoo at pawang katotohanan lamang, kakarmahin din ang Patrick na yan...pasalamat ka nalang sa kanya na tinakasan ka niya, maeenjoy mong mag-isa ang anak mo at hindi ka pa malolosyan kaagad...ang sarap lang ng may anak.

8:15 PM  
Anonymous Anonymous said...

sa totoo lang si patrick ang 'louser'(ayun kay patani) dito at nde ung anak.........hehehehehehe

patrick magbagong buhay kna..........hahahahahaha

12:03 AM  
Anonymous Anonymous said...

kung gusto mong mag ala dolphy suportahan mo at wag pababayaan ang sarili mong anak.

magpakatotoo o tunay na lalake ka kumag.........hehehehehe

1:55 AM  
Anonymous Anonymous said...

baka naman hindi talaga si patrick ang tatay kaya hindi nya talaga nilagay. kase kung si patrick ang tatay shempre iisipin ng nanay yung kapakanan ng anak nya. si jen lang ang nakakaalam kung sino talaga yung tunay na tatay.

7:48 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites