<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, November 27, 2008

Joey de Leon walang panahon kay Willie

KINU-CONSIDER pala ni Joey de Leon ang sarili na retired na sa paggawa ng pelikula.

Hindi nga lang daw niya napahindian ang ideya ng matalik na kaibigang si Vic Sotto na magsama-sama silang muli ni Tito Sotto sa Metro Manila filmfest entry na Iskul Bukol: 20 Years After.

Isa pa, hindi ordinaryong pelikula ang entry na ito ng OctoArts Films, M-Zet TV Production at APT Entertainment, dahil isa itong pagbabalik-tanaw sa matagumpay na TV sitcom na nagpasikat sa grupong TVJ nu’ng dekada ’70.

Sa presscon ng Iskul Bukol: 20 Years After kamakalawa ng hapon, sinabi ni Joey na tamad na talaga siyang mag-shooting.

Kuntento na raw siya sa TV career, lalo pa’t kung iisiping uso na ang airconditioned studios ngayon.

Mani na lang para sa kanya ang pagte-taping ng regular shows niyang Nuts Entertainment, Mel & Joey at Takeshi’s Castle o pagla-live sa Startalk kada Sabado ng hapon.

Sa tantiya niya, pinakamatagal na ang dalawang oras na ginugugol niya para sa isang programa.

Kumpara sa pelikula, ’di hamak na mas magaan nga namang trabaho ang pagho-host sa telebisyon.

Kaya naman, hindi rin niya mapagbigyan ang alok ni Willie Revillame na gumawa sila ng pelikula.

“Walang oras, sabi ko sa kanya, tingnan natin,” tsika ni Joey sa press.

Apparently, binulungan siya ni Willie nang magkita sila sa isang awards rites kamakailan.

“Nag-offer siya sa ’kin, pero wala, eh. Kung sa Siyete nga, hirap pa, eh. Alam mo ang pelikula, sinet-aside ko na. Sa TV muna ako, uso na nga kasi ang aircon, ’di ba?

“Siguro kung sa abroad gagawin, kasi mahilig akong maglalayas,” dagdag pa ng comic icon.

“Pero alam n’yo bang kinuha ko ’yan dati? Si Willie ang lumabas na sidekick ko sa Barbie for President.

“Ako, okay sa akin ang lahat, wala namang masamang tinapay sa ’kin, eh,” pagtatapos pa ni Joey.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous alghen_basa said...

hi tito joey! im your big fan lalo n kasama mo sila tito,and vic. die hard fan nyo kami. kung saan ang eat bulaga yan din ang channel nmin talagang wlang lipatan. kapuso kung kapuso! s family nmin bawal ang mglipat ng tv. and rodriguez family at adolfo family talagang KAPUSO at DABARKADS maski narito n kami ng asawa ko s riyadh dala nmin kayo dito walang iwanan. sana mabasa mo ito at paki greet mo nlang kami ok! genalin basa nga pala at alquinn basa thank you!

2:35 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites