<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, November 27, 2008

Manny Pacquiao nag-aalala kay Karylle

MAHIGIT isang linggo na lang, laban na nina Manny Pacquiao at Oscar dela Hoya sa MGM Grand sa Las Vegas.

Pero alam n’yo bang hindi lang sa laban naka-focus ang atensyon ni Pacman?

Updated na updated pala ito sa showbiz issues, kaya medyo nag-aalala kay Karylle, na kakanta ng Pambansang Awit sa tinaguriang The Dream Match ng People’s Champ sa Golden Boy.

Sey ng isang GMA-7 executive, panay ang kumusta ni Manny kay Karylle dahil knows nitong kabe-break lang ng huli sa boyfriend na si Dingdong Dantes.

Worried yata si Pacman na baka hindi pa ready ang dalaga ni Zsa Zsa Padilla na mag-perform sa harap ng napakalaking audience.

In-assure naman siya ng kausap na handang-handa si Karylle at walang dapat ipag-alala si Manny.

Alam n’yo bang ngayon pa lang ay marami nang celebrity na nakatakdang tumungo ng Las Vegas para panoorin si Pacman?

Ilan sa mga binanggit sa amin ay sina Dingdong, Bayani Agbayani, Alfred Vargas, Rufa Mae Quinto, Richard Gutierrez at ewan kung matutuloy si Paolo Contis.

Kung hindi kami nagkakamali, karamihan sa kanila’y personal na binigyan ni Pacman ng ticket.

Ayon pa sa GMA-7 exec, hindi biro ang halagang inuubos ng Pambansang Kamao rito. ’Pag close na close pa sa kanya, pati hotel room, siya pa ang nag-aareglo.

Ganu’n daw talaga si Manny tuwing may laban. Katuwiran daw nito, mas lumalakas ang loob niya kapag nakikita ang mga pamilyar na mukha sa audience.

Sa Mandalay Bay daw karaniwang naka-billet sina Manny, dahil feeling nito, may dalang suwerte sa kanya ang naturang hotel.

Wala raw dapat ipangamba ang mga tagahanga ng Pinoy boxing champ, dahil sa huli nilang pag-uusap ng opisyales ng Siyete, sinabi nitong handang-handa na siyang harapin si Dela Hoya sa ring.

Ang The Dream Match: Pacquiao vs Dela Hoya ay mapapanood sa Kapuso channel sa December 7 at mapapakinggan din sa DzBB at iba’t iba pang regional stations ng GMA Network.

[via]

Labels:

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

wag kang mag-alala jay karylle pac.

alalahanin mo ung laban mo..........hehehehehe

12:55 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites