<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Tuesday, November 04, 2008

Marian, Dingdong nag-honeymoon

ISANG ‘up close and personal’ ang naging interview namin kay Marian Rivera nang dalawin namin siya sa shooting ng kanyang movie titled One True Love together with Dingdong Dantes under GMA Films and Regal Entertainment. Ka-love triangle nila rito si Iza Calzado.

Maliban sa ipinakiusap niyang ‘wag nang i-topic ang kanyang personal life. At nag-dialogue pa nga siya ng: “Akin na lang ang personal kong buhay…ipi-napakiusap ko ‘yan sa press.”

Willing and able namang sinagot lahat ng aktres ang mga tanong namin sa kanya.

Nagkaroon nga lang kami ng pag-analyze tungkol sa ipinagdiinan niyang: “Wala talaga kaming relasyon ni Dong maliban sa pagi-ging best of friends.”

Sinabi kasi ni Marian na personal din ang tung-kol sa kanyang lovelife at ayaw niyang mapag-usa-pan ito.

So, naisip namin na kahit ‘on’ na talaga sila ni Dingdong, dahil ayaw ni-yang mapag-usapan ito, sasabihin na lang niyang friends lang sila.

At may nakarating pa sa aming tsika na si Dingdong ang dahilan kaya three months ago, naki-pag-split si Marian sa ma-tagal na niyang boyfriend.

Sa nagsi-circulate na rumor, although hindi naman daw talaga formal na nanliligaw si Dingdong kay Marian, nagkahamunan yata ang dalawa na magiging sila kapag inisplitan nila ang kani-kani-lang present na karelas-yon.

“O sige, call. Pero, ikaw muna ang unang makipag-split sa boyfriend mo,” hamon daw ni Dong kay Marian.

“Sure. Pero, lagot ka sa akin kapag hindi ka talaga nakipag-break kay Karylle,” sagot naman daw ni Marian kay Dong.

And so, after that hamunan, nakipaghiwalay na nga si Marian sa kasintahan three monghts ago. At si Dingdong naman ay balita last week pa na nakipag-break na rin kay Karylle.

* * *

SPEAKING of ‘up close and personal’ na panayam, tinanong namin si Marian kung ano ba talaga ang ugali niya noong wala pa siya sa showbiz.

Ngayon kasi ay isyung suplada siya. Taklesang sobrang nakaka-offend sa pakikipag-usap. Buta-ngera o palaaway. Paleng-kera, etc.

“Ito na talaga ang totoong ako,” panimulang pagtatapat ni Marian.

“Prangka ako sa pa-kikipag-usap kaya siguro sinasabi nilang taklesa ako. Marunong akong lu-maban kapag inaagrabi-yado ako. At kapag nasa tama ako, magsasalita talaga ako, hindi mapipi-gil ang bibig ko. “Walang nabago sa akin ngayong artista na ako maliban sa madalas na akong mag-shopping,” aniya pa.

Noon at ngayon, super-selosa raw talaga si Marian sa boyfriend man o mga kaibigan lang.

“Kapag ako, gusto ko ako lang. Palagi ko ngang sinasabi sa mana-ger ko na ‘wag na ‘wag siyang mag-aalaga ng isa pang girl. Mga lalaki puwede siyang mag-ma-nage ng kahit ilan,” saad ni Marian.

Pero pagdating sa pagbo-boyfriend pagta-tapat niya: “Wala akong standard sa lalaki. Puwedeng magustuhan ko ang hindi masyadong guwapo.

“Puwede rin sa akin ang hindi matangkad. Puwede ring kahit mahi-rap lang. Pero ‘wag naman ‘yong ako ang bu-buhay. Basta nagustuhan ko lang ang lalaki na binata ha, ‘yon na.”

At ipinagdiinan pa ni Marian na: “At ako ‘yong babae na never na mang-aagaw ng boyfriend o asawa ng ibang babae.”

Kaya naman siguro nag-break muna sina Dingdong at Karylle.

When it comes to life’s aspirations, ano ba ang isang Marian?

“Nangangarap naman ako. Noong wala pa ako sa showbiz, pa-ngarap ko naman talagang sumikat na artista.

“Pero,matapos kong sabihin kay God ang dream ko at mag-pray ako, sinasabayan ko rin naman ng pagsisikap at pag-focus sa aking gustong marating.

“At ngayon heto, hindi ko nga akalain na ganito kabilis kong na-abot ang aking dream,” sabi ni Marian.

* * *

UNANG tambalan nina Dingdong at Marian ang pelikulang One True Love.

At dito raw ay mayroon silang love scenes na mas matindi kesa sa mga ginawa nilang dalawa sa Marimar at Dye-sebel.

“Paseksi ako rito sa One True Love namin ni Dong. At super-super-super ang love scenes na-min dito, lalo na ‘yong sa honeymoon scene na-min.

“Sa love making na-min, ako ang gumawa ng moves. Sexy scene ko talaga ‘yon,” kuwento pa ni Marian.

[via]

Labels: ,

11 Comments:

Anonymous Anonymous said...

sa totoo libog lang yan at lilipas din. abangan nyo ang mga ilang buwan o taon at mag iibang putahe din ang mga yan.

kayo naman masyadong ipokrita na kunwari ayaw makatikin ng iba........hehehehehehe

10:28 AM  
Anonymous Anonymous said...

malandi lng talaga c marian, palay n ang lumalapit s manok dba..

2:07 PM  
Anonymous Anonymous said...

grabe naman si marian pasabi sabi pa na di raw sya nangaagaw e anu tong ginawa nya kung di talaga sya mangaagaw bakit nakipagbreak sa boyfriend malandi lang talaga sya...makasarili pa bakit sasabihin nya sa manager nya na sya lang ang aalagaan natatakot lang sya na me makapantay sa kanya ipagpasalamat mo nakapuwesto ka kung di umalis si angel locsin di ka sumikat....hanggang supporting ka lang kala mo naman sobrang galing kung umarte wala ka namang binatbat sa mga artistang me pangalan...pede ba tumingin ka naman sa lupa...

2:26 PM  
Anonymous Anonymous said...

i dont like marian she is selfish...kaya nga dyesebel e selfish,maarte kaya marimar...totoong mangaagaw kaya one true love...he..he...he.

2:36 PM  
Anonymous girlash said...

wag naman kayong mang husga na marian is selfish or malandi. dumarating sa isang tao na nawawala ang love sa isat isa at yan ang nangyari kay dingdong at karylle. hindi naman nilang sinayda na magka developan sila kaya sana unawain na lang. mas mabuti namang makipag hiwalay si dong kay karylle kesa mag pretend na love pa nya ito kasi mas panloloko yon

11:57 AM  
Anonymous Anonymous said...

tama ka girlash dpat di nila husgahan si marian dahil di nman nila ito masyadong kilala..di nea kasalanan kung naghiwalay man si dingdong at kareyl...

11:30 AM  
Anonymous Ahlcyn Casane said...

well,
we really do not know abot what really is behind their break-ups but whatever it is, bahala na sila sa buhay nila!!! wahahahaa!!!

3:10 PM  
Anonymous Anonymous said...

wag nman kaung mangusga ng taong di nyo lubusan n kilala ,,lalo n at d nyo p nakasma ,,s tv lng ntin xha nki2ta kya dpt kila2nin muna bgo manghusga ..

1:08 PM  
Anonymous Anonymous said...

khit sino walang karapatan na manghusga ng tao lalo na at di nman talaga kilala personally...dun sa mga naninira at nagsasalita ng di maganda abt marian tingnan nyo muna ung mga sarili nyo sa salamin at pkakiramdaman nyo ung mga sarili nyo ugali kung ano klase tao kau!tao lng din ung mga artista...kunsabagay khit nmn anong pnnira eh tlgang to the highest level na ang ksiktan ni marian at wala n kau magagwa dun..dun sa mga ngsasabing kundi umalis si angel walang marian well sad to say umalis nga xa eh,at cguro un ang plano ni Lord kya wag n kau masyado magreact ksi u can't do anything abt it nmn eh,at sa mga ngsasabing inagaw ni marian si dingdong ky karylle..how can u be so sure eh di nyo nmn cla klala at nka2sama,ngktaon lng cguro na di hamak n mas maganda at lovable at totoong tao si marian kesa ky karylle that dingdong can't resist..bkit d kau ky dingdong magalit eh xa itong lalaki,xa ang nkipagbreak ky karylle it's his action and nobody is responsible for that xa lng..so dun sa mga nagaglit at nanghuhusga ky marian bhala n sa inyo si Lord...to marian:keep it up,as long as u know ur doin right were all here for u, and God always guide u...gudluck sa lhat ng projects mo at sa luvlife..we luv you!

8:51 AM  
Anonymous Anonymous said...

at ung mga taong puro kbastusan lng ang snusulat dito...kung wala kau mganda sasabhin wag n kau mgacomment!

8:53 AM  
Anonymous Christine^^, said...

kala nyo naman kung sino kayong makapagsalita tunkol kay m0m Marian.. manghuhusaga kayo kung malapit kayo sakanya at kung kilalangkilala nyo sya . . inggit lang kayo kasi sikat si m0m marian . kayo hindi!. . sa mga naninira kay m0m marian . .
wag na kayong mag tangka. . kasi halata sa inyo na "JEALOUS" lng kayo sa kanya . super attractive talaga sya . kahit si richard gutierrez nga nagkagusto sa kanya . . so don't be so mean to her. . tandaan nyo . babalik rin yan sa inyo . .

7:15 PM  

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites