<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d26480880\x26blogName\x3dGMA7+News+Today\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://mirrorwildthoughts.blogspot.com/\x26vt\x3d2852052905181515934', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
---------------------------
Do you want to receive these daily Kapuso Stars updates in your inbox? All you need to do is SUBSCRIBE to this blog for FREE. Please find the subscribe button on the sidebar.
---------------------------
Thursday, November 20, 2008

Tagumpay ng ‘One True Love,’ inalay ni Dingdong kay Karylle

“Nervous” ang sagot ni Dingdong Dantes nang kumustahin namin bago ang premiere night ng One True Love at dahil sa nerbyos, dedma na siya sa antok dahil 5 a.m. na na-pack-up ang taping nila ni Iza Calzado ng Boksingera episode ng Obra.

Kung pagbabatayan ang reaction ng fans sa premiere night, nothing to worry sina Dingdong, Marian Rivera, Iza Calzado at ang buong cast dahil nagustuhan ang pelikula, na graded B ng CEB.

Hindi na namin nakausap si Dingdong after the premiere night, kaya hindi namin nakumpirma kung totoong tinawagan niya si Karylle bago ang preem night at sinabing dedicated sa dalaga ang anumang success ng One True Love.

Hindi naman siguro magagalit sina Marian at Iza rito.

Inamin naman ni Dingdong na tuloy ang communication nila ng ex-GF, tuloy ang advocacy at tuloy ang sosyo nila sa negosyo.

Wala raw nabago sa kanila, maliban sa wala na silang relasyon.

Special guest ni Marian Rivera sa premiere night ng One True Love ang lola niyang naninirahan sa Cavite.

Close sa lola ang actress at kahati ito ng ina na lagi niyang inaalayan ng lahat ng tagumpay niya sa showbiz.

Doon sa eksena sa pelikula na kausap ni Marian si Boots Anson-Roa (gumaganap na lola niya), hindi siya umarte dahil ganu’n siya makipag-usap sa lola niya at lahat ng nangyayari sa kanya ay ikinukuwento rito.

Tiyak na hindi na-disappoint ang lola ni Marian dahil nakipagsabayan siya ng acting kina Dingdong at Iza.

Malaking tulong kay Marian ang PLDT Landline Plus Prepaid dahil kahit saan ang shooting, taping at mga lakad niya, ’pag gusto niyang makausap ang lola niya, madali niya itong natatawagan.

Pati sa amang nasa Madrid, Spain, PLDT Landline Plus Prepaid din daw ang kanyang gamit at with P300 minimun load per month, kaya ito ng bulsa ng kahit hindi artista.
[via]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Back to Kapuso Home



Technology Blogs - Blog Top Sites